Breaking News, Showbiz

Bong Revilla nailang sa kissing scene nila ni Sanya

HINDI lang si Sen. Bong Revilla ang excited na muling magbalik sa telebisyon dahil maging ang kanyang mga tagahanga ay sabik na sabik nang mapanood ang bago niyang teleserye na ‘Agimat Ng Agia’ na ipapalabas sa GMA 7. Ang nasabing serye ay fantasy advemture na punong-puno ng aksyon,drama at katatawanan ay binusisi at pinagandang mabuti ng direktor na si Rico Guttierez at si Nap Jamir ang direktor ng photography.

Ginagampanan ni Sen.Bong ang isang forest ranger na makikipagsagupa sa masasamang elemento na tiyak na magugustuhan ng mga bata dahil may halo itong agimat at kapangyarihan kaya pinamagatang ‘Agimat Ng Agila.’ Si Sanya Lopez ang gumaganap na leading lady ni Sen. Bong.Puring-puri niya ang dalaga.

Sabi ni Sen.Bong tungkol kay Sanya,”She”s a very good actress. Sa tingin ko, ‘yan ang mga may future na maging reyna (sa showbiz).”

May kissing scene sa ‘Agimat Ng Agila’ sina Sen.Bong at Sanya. Sa tanong sa una kung nanginig ba ang huli sa halikan nila, ang natatawang sagot ni Sen. Bong, “Actually, ako ‘yung nanginig. ‘Yung kissing scene, ako ‘yung nailang. Pero at least okey naman.”

            John Lloyd at Joshua, gustong makasama ni Klinton sa paggala

SA pakikipag-usap namin sa talented at guwapong bagets na si Klinton Start, tinanong namin siya kung ano ang latest tungkol sa kanya. Ang sabi niya, “So far wala pa pong update sa amin kung anong mangyayari. Pero may mga bagong show sa SMAC TV, stand by lang muna kami.”

Si Klinton ay nasa pangangalaga ng SMAC. Habang wala pang ginagawa, focus muna si Klinton sa kanyang pag-aaral at pagtitiktok. First year college siya sa Trinity University of Asia, taking up Marketing Management. Ipinaliwanag ni Klinton kung bakit ito ang kinuha niyang kurso.

“Kasi di ba sa family namin..business related? Gusto ko rin po na mag-business,”

Hanggang ngayon ay may pandemic pa rin sa bansa. Kung matatapos na ito at magiging normal na uli ang sitwasyon, ano ang unang-una niyang gagawin?

“Gumala,” sagot ni Klinton

“Di ba tayong mga Pilipino,mahilig talagang gumala?Nakakagala naman tayo ngayon kahit may COVID 19. Pero siyempre,gusto nating gumala na walang suot na face mask at face shield. So yun ang una ko talagang gagawin ang gumala po with my friends.”

Given a chance, sino sa mga artista ang gusto niyang makasama sa paggala?

“Si Joshua Garcia at John Lloyd Cruz. Paggala namin, oo mag-i-enjoy kami at the same time gusto ko kasing humingi ng tips sa kanila kung paano umakting ng ganito, ng ganyan. Sila kasi ang idol ko pagdating po sa pag-arte.”

Sa babae naman, ang gustong.makasama ni Klinton ay ang no.1 crush niya na si Nadine Lustre.

Si Klinton ay isa sa endorsers ng CN Halimuyak Pilipinas, na ang CEO/President ay ang mabait at generous na si Ma’am Nilda Villafana Mercado Tuason. Bukod sa mga pabango, ay may produkto rin ng alcohol, sanitizer, foot bath disinfectant at marami pang iba ang CN Halimuyak Pilipinas na mabibili lang sa murang halaga. Kumbaga, presyong kaibigan na abot kaya ng masa. Nakakatuwa lang si Ma’am Nilda dahil 10% ng kinikita ng CN Halimuyak Pilipinas ay ibinibigay niya sa mga nangangailangan, lalo na sa mga frontliners na itinuturing nating mga heroes ngayong pandemic. Sa mga may gustong bumili, may branch ang CN Halimuyak Pilipinas sa 2nd floor ng Robinsons Novaliches. Kung bibili kayo, makakaatulong pa kayo sa ating mga kababayan. Di ba beshie, John  Fontanilla?

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)