Breaking News, Showbiz

 Bong Revilla matindi ang training para sa ‘Agimat Ng Agila’

NALALAPIT na ang pagbabalik-telebisyon ni Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa kanyang upcoming action-packed family drama series na ‘Agimat Ng Agila’ na mapapanood na simula May 1. 

            Gagampanan ni Bong ang karakter ni Major Gabriel Labrador, ang magiting na pinuno ng Task Force Kalikasan na magiging bagong tagapagligtas laban sa kasamaan matapos mabiyayaan ng kapangyarihan ng ‘Agimat ng Agila.’

            Kuwento ni Bong, matindi ang paghahanda niya para sa kanyang role. “Dahil halos five years akong hindi nakaharap sa camera, and the circumstances behind it, ang ginawa kong mental attitude is para akong nag-uumpisa ulit. Matindi kasi ‘yung parang ring rust ng fighters. Siyempre ayaw natin i-disappoint ang ating mga tagahanga at manonood na matagal naghintay na mapanood tayo ulit,” aniya.

            Sumabak din daw sa physical training ang aktor para sa serye, “I physically trained for no less than three hours a day for months – weights; running; cardio; muay thai; boxing; at iba pang mixed martial arts. Nag re-train din ako sa weapons para lang bumalik ‘yung muscle memory.”

            Samantala, makakasama ni Bong sa programa sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, Edgar Allan Guzman, Miggs Cuaderno, at Ian Ignacio. May special participation din si Sheryl Cruz.

            Tunghayan ang exciting adventures ni Major Gabriel sa world premiere ng ‘Agimat Ng Agila,’ sa May 1 na, pagkatapos ng Pepito Manaloto, sa GMA-7.

            *****

Doc Kenneth meets Pamilya Guipit sa Owe My Love

            Napa-#OMLYes na nga ni Doc Kenneth (Rocco Nacino) si Sensen Guipit (Lovi Poe), and now they are officially in a relationship. At dahil d’yan, ipapakilala na ni Sensen si Doc Kenneth sa kanyang pamilya. Mas makikilala na rin ng viewers ang pamilya Guipit na tila may connect kay Lolo Badong (Leo Martinez).

            Samantala, sa kabilang dako ng universe ay ang lumalalang selos ni Doc Migs (Benjamin Alves). Kasi naman, may chance na kasi siyang umamin, napa-atras pa! Naunahan tuloy siya. May pag-asa pa kaya si Doc Migs o forever na sina Sensen at Doc Kenneth?

            Ang hindi nila alam, pakawala pala ni Trixie (Winwyn Marquez) si Doc Kenneth. Plano pala talaga nilang kunin ang tiwala ni Sensen at mahulog ang loob nito kay Doc Kenneth para tuluyan na itong mapatalsik sa mansyon ng mga Alcancia.

            Napakaraming twist and turns ng GMA Public Affairs series na Owe My Love! Bukod sa kilig, patok din sa viewers ang serye dahil talagang ini-embody nito ang spirit of Filipino family na tulungan at damayan kahit anong mangyari. Bonus pa ang nakatutuwang comedy antics nina AiAi delas Alas, Nova Villa, Jackielou Blanco, Ruby Rodriguez, at Mahal.

            Kaya tuloy lang sa pagtutok sa ‘Owe My Love,’ Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)