Breaking News, Showbiz

‘Blogtalk With MJ Racadio’ mapapanood na sa Pilipinas

ISANG maituturing na dream come true para sa sikat na Hollywood blogger at podcaster na si MJ Racadio ang magkaroon ng podcast show sa Pilipinas, kung saan 7 years daw nitong hinintay ang pagkakataong ito, kaya naman sinabi nitong “I’m finally home in the Philippines!“

Si MJ nga ang bagong dagdag sa pamilya ng Cut ! Print. Podcast Network, kung saan ito ang magiging host ng ‘Blogtalk With MJ Racadio’ na mapapanood weekly sa Cut! Print. Podcast Network.

Si MJ ay isang  award-winning social media reporter, EBC international correspondent, celebrity blogger, publicist at singer.

25 years na siyang naninirahan sa Amerika at nakagawa na rin ng sarili niyang pangalan doon bilang miyembro ng Los Angeles Press Club.

Ilan nga sa mga sikat sa Hollywood Celebrities na na-interview nito ay sina Bruno Mars, Darren Criss, Aaron Sorkin, Steve Harvey, ilang nga Beauty Queens sa mga nagdaang Miss Universe at mga sikat na movie directors.

Ibinahagi rin nito  ang ilan sa kanyang sekreto bilang paghahanda sa tuwing magkakaroon siya ng interview sa isang celebrity, “Drink a lot of water, research  and think for a comportable topic (ice breaker questions).”

Ito rin ang nagpasimula ng 75 Most Influential Filipino-Americans bilang pagbibigay pugay sa mga Filipino- Americans na gumagawa ng pangalan sa Amerika. Anya, “Because I wanted everybody to know about Filipinos that make it big in the US. I want the hard work of Filipino-Americans in the US to be recognized.”

Very thankful nga raw si MJ sa Cut! Print. Podcast sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na maging isa sa podcasters nito. ”It’s an amazing experience. It’s an honor to be a part of Cut! Print. Podcast,” ani MJ.

Nagpapasalamat din daw siya sa kanyang EBC Net 25 dahil sa opportunidad na binigyan siya ng pagkakataong maging part ng family nito kung saan isa siyang International correspondent na nagbabalita ng kaganapan sa mundo ng Hollywood.

Bukod sa ‘Blogtalk With MJ Racadio,’ ang Cut! Print. Podcast ay tahanan din ng iba pang chart-topping podcast shows gaya ng Sleeping Pill with Inka Magnaye (#1 on Spotify), Jett’s Talk Show (hosted by rock legend Jett Pangan), It’s the Round Table (hosted by Brian Bonnie), Pop Emergency (hosted by Alwyn and Adrian), Covert Operations (hosted by Spade JM, V and Kurt Garcia), Jeck Talks Tech atbp.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)