Breaking News, Showbiz

BL series ni Teejay Marquez wagi sa 11th TV Series Craze Awards 2020

HAPPY ang International Pinoy actor na si Teejay Marquez nang itanghal ang BL series na ‘Ben X Jim‘ na pinagbibidahan nila ni Jerome Ponce na hatid ng Regal Entertainment bilang PH BL Series of the Year. Kung saan kasabay ng ‘Ben X Jim’ na pinarangalan ang dalawa pang trending PH BL Series na ‘Game Boys’ ng Ideal First at ‘Gaya sa Pelikula’ ng Globe Studios sa nasabing kategorya sa katatapos na 11th TV Series Craze Awards 2020.

Sey nga ni Teejay, “Sobrang  nakakataba po ng puso na yung 1st season ng BL Series namin  na ‘Ben X Jim’ ay napasama sa PH BL Series of the Year. Kaya maraming-maraming salamat sa 11th TV Series Craze Awards 2020 dahil sa dinami-dami ng BL Series sa Pilipinas ay napasama kami sa PH BL Series of the Year.”

Nagpasalamat din ito sa kanilang director at sa Regal Entertainment ang producer ng ‘Ben X Jim.’ “And salamat din sa mahusay naming director na si direk Easy Ferrer, ka’y Ma’am Roselle at Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment at sa boung cast mula sa partner kong si  Jerome Ponce, Ron Angeles, Kat Galang, Sarah Edwards atbp.”

Marami nga raw pasabog na dapat abangan sa season 2 ng ‘Ben X Jim’ na may pamagat na ‘B X J Forever,’ dahil maraming mga bagong character ang papasok at abangan daw kung ano ang magiging role ng mga ito sa kanila ni Jim (Jerome).

“Kaya dapat nilang abangan ang season 2, ang ‘BXJ Forever’ dahil kung nagustuhan nila yung season 1 siguradong magugustuhan nila ito.”

Excited na nga raw si Teejay sa pag-ere ng kanilang season 2 ngayong buwan ng Enero hatid ng Regal Entertainment at mula sa mahusay na Director na si Easy Ferrer.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)