Breaking News, Showbiz

Bilib si Direk Joel Lamangan kay Sean de Guzman

DAPAT nating panoorin ang ‘Anak Ng Macho Dancer,’ ayon kay Sean de Guzman, dahil marami raw siyang ipakikita sa pelikula. Iyan ang sagot niya nang paulit-ulit naming tinanong kung ano ang makikita sa kanya sa movie.

            Ang mga kasama niya kasing bituin dito, sina Ricky Gumera, Miko Pasamonte, Charles Nathan at Mhack Morales ay very vocal sa pagkukuwento ng mga eksenang pinaggagawa nila sa pelikula tulad ng lamasan, orgy, threesome, hubaran, etc, etc, — pero si Sean ay mas gustong isagot na – “Panoorin na lang po ninyo ang pelikula para makita ninyo kung ano ang mga ginawa ko roon!”

            Hindi namin alam kung matipid lang siyang sumagot o ‘di lang siya komportableng sagutin ang tanong na iyon. Dapat pa siyang matuto kung paanong magkuwento sa harap ng interviewer para sa mas magandang publisidad. Anyway, sa kuwento naman nina Ricky, Miko, Charles at Mhack, naniniwala kaming kabi-kabilaan nga ang maiinit na tagpo nila sa pelikulang idinirek ni Joel Lamangan. Base rin sa magkakahiwalay na trailer na napanood namin sa social media, talagang maiinit nga ang mga tagpo.

            Meanwhile, hindi pa man naipapalabas ang ‘Anak Ng Macho Dancer,’ eto at pumirma na ng kontrata sa Viva si Sean for 12 pictures in 3 years. Aba, this is something dahil kahit wala pa siyang napapatunayan dahil his first movie is yet to be shown, eto at nagtiwala na agad ang Viva sa kanya, and Viva is not just an ordinary film outfit, isa ito sa mga higanteng production sa bansa.

            Ibig ding sabihin ay bumilib sa kanya si direk Joel Lamangan, dahil ayon kay Sean ay si direk Joel ang naging daan para makapasok siya sa Viva. Ibig uling sabihin, marunong umarte si Sean. Kaya hindi kataka-taka na siya ang napili para gumanap ng lead role sa movie. Alam naman natin kung gaano kametikuloso si direk Joel.

            In the same manner na bumilib din si direk Joel sa mga kasama niyang sina Ricky, Miko, Charles at Mhack, dahil lahat sila ay dumaan sa audition at pumasa muna sa panlasa ng premyadong direktor bago napasama sa pelikula.

            Ang ‘Anak Ng Macho Dancer’ ay mapapanood na sa KTX.PH starting January 30. Bukod kina Sean, Ricky, Miko, Charles at Mhack, kasama nila sa pelikula sina Jaclyn Jose, Alan Paule, Jay Manalo, Rosanna Roces, atbpa. Mula ito sa Godfather Productions ni Joed Serrano.

At sabay-sabay nating panoorin at tingnan ang sinasabi ni Sean de Guzman na maraming makikita sa kanya at sa mga nagguguwapuan at nagkikisigang kasama niyang sina Ricky Gumera, Miko Pasamonte, Charles Nathan at Mhack Morales.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)