Breaking News, Lifestyle

BIGTIME OIL PRICE HIKE

INAASAHAN ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa linggong ito.

Kaugnay ito ng paggalaw ng presyo sa international market.

Batay sa anunsiyo ng Seaoil, Petro Gazz, Shell at Cleanfuel, tataas ng P1 ang presyo sa bawat litro ng gasoline habang P1.05 naman ang dagdag sa diesel.

Nasa P0.95 naman ang dagdag-presyo sa bawat litro ng kerosene o gaas ng Shell at Seaoil.

Epektibo ang oil price adjustment ng Seaoil, Petro Gazz at Shell bandang alas-6:00 ng umaga ng January 19.

Alas-4:01, naman ng Martes ng hapon magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel. (Eloise L.)