Breaking News, Showbiz

Bidaman Wize deadma sa mga indecent proposal

SANDAMAKMAK na indecent proposal daw ang natatanggap ng tall, dark and handsome ‘It’s Showtime’ Bidaman na si Wize Estabillo mula sa mayayamang bading na ayaw na niyong pangalanan.

Kuwento nga ni Wize, “Marami na po akong nakaka-encounter na mga mayayamang bading na nagpa-promise ng kung anu-ano kapalit ng pakikipagrelasyon at one-night stand pero lahat sila tinanggihan ko.

“ Yung iba nagmi message sa ig at twitter, meron sobrang yaman sa Batangas, ang alok niya siya nang bahala sa akin basta sa kanya na ako titira sa Batangas.

“Yung iba naman dinadaan pa sa sponsorship kuno, pero pag sinabi ko kung anong klaseng sponsorship dahil ipapaalam ko sa manager ko, sabay sabing kami na lang ang mag-usap basta makasama ako ng buong araw.

“ Meron namang malakas ang loob na pinaprangka talaga ako kung magkano yung presyo ko, parang ang dating tinda ka sa department store o sa palengke na tinatanong ang presyo.

“Okey lang sana kung purely business as in endorsement or show, kaso iba yung gusto nila and hindi ako game sa ganun.

“Walang halong kaipokritohan, magtatrabaho na lang ako, marangal na trabaho kaysa patulan ko yung mga ganung offer.

“Hindi sa minamaliit ko yung mga taong pumapatol sa ganong offer, sarili naman nilang diskarte at desisyon yun at nirerespeto ko yun, pero  para sa akin ayoko talaga.”

Sa di mabilang na ng indecent proposal na natatanggap ni Wize ay dini-deadma na lang daw nito at hindi ini-entertain.May mga pinagkakaabalahan pa naman daw siya katulad ng pagbi-bigo at ilang online guesting na kahit papano ay kumikita siya at sapat na yun para sa kanya at sa kanyang pamilya.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)