Breaking News, Showbiz

Bida sa BL series magtotodo-hubad; Ex-member ng Flippers magre-release ng album sa buong Asya

HANDA na raw magtodo-bold as in magtanggal ng kahuli-hulihang saplot sa katawan ang mahusay na aktor na si Andrew Gan sa pinagbibidahan nitong BL series na ‘Limited Edition’ kasama sina Jomari Angeles at Ron Angeles mula sa direksiyon ni Jill Urdaneta at prinodyus ni Jojo Bragais sa kanyang Bragais TV.

Kuwento pa nito na sa tagal na raw niyang pag-aartista ay ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na magbibida siya sa isang proyekto kaya naman daw willing siyang magtanggal ng saplot basta mapaganda at kinakailangan talaga sa eksena.

Dagdag pa ni Andrew na ipinagdasal daw niya ang nasabing proyekto na sana raw ay matanggap siya, kaya naman daw sobrang thankful siya kay Jojo Bragais, Michelle Jhoie  Ferraris  (Producers) at Jill Urdaneta (Director) dahil isa siya sa napili bilang bida together with Ron Angeles at Jomari Angeles na parehong mahusay na actor ng makabagong panahon.

Gagampanan daw ni Andrew ang character ni Jethro na mai-inlove ka’y Mario na ginagampanan ni Jomari (Angeles).

Wish nga ni Andrew na sana raw ay magtuluy-tuloy na ang pagdating sa kanya ng magagandang proyekto ngayong taon.

Makakasama ni Andrew sa ‘Limited Edition’ sina Jomari Angeles, Ron Angeles, Donna Caraan, Best Actress Ruby Ruiz, Best Actress Iyah Mina, Michelle Jhoie Ferraris atbp. sa panulat ni Joni Fontanos, Directed by Jill Urdaneta, Produced By Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris at mapapanood sa  Bragais TV ( Youtube ) ngayong February 2021

            *****

NAKATAKDANG mag-release ng bagong album ang  former Alpha Records recording artist at member ng  sumikat na grupo sa bansa ang Flippers (3rd Generation) na nagpasikat ng awiting “Di Ako Iiyak“ na si Eric Diao na tinagurian ding Campus Singing Idol noong dekada 80 sa iba’t ibang unibersidad sa bansa.

Ngayon nga raw ay tinatapos na nito ang kanyang next album na hindi lang sa Pilipinas iri-release kung hindi maging sa Japan at sa mga karatig-bansa sa Asya.

Bukod sa pagiging singer ay isa rin itong professional composer/record producer at parttime DJ/host, kung saan isa ito sa VJ ng WADAB NET RADIO na isang Indie Net Radio na nakabase sa Davao City.

Ito ang composer ng Visayan Song na “Ciudad sa Dabaw“ na inawit ng Davao based singer na si Yoyoy Idol Suave at “Ikaw ang Miss Universe ng Puso ko“ na naging themse song naman ng Mutya ng Davao 2004.

Nakapag-release na rin ito ng anim na CD albums under Wadab Records, na isang Indie label na naka-base sa  Japan. At bago nga mag-pandemic ay regular itong nagpe-perform sa Eagles Bar, Marci Polo Hotel sa Davao kasama ang kanyang bandang Enrique Montre.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)