Breaking News, Showbiz

Bernie Batin, ang pinakamasungit na tindera sa social media!

HINDI inakala ng sikat na Vlogger ngayon na si Bernie Batin, na tubong Pangasinan, ang tinatamasa nitong biyaya mula sa kanyang konsepto bilang pinakamasungit na tindera sa kanyang mga video vlog

Mula nang pumasok ang pandemya ay halos lahat ay sinubukan at pinasok na pagiging Vlogger pero hindi lahat ay nagtatagumpay kaya masuwerte itong si Bernie dahil naging viral at pumatok ang kanyang paandar bilang masungit na sari-sari store owner na tinder.

Dahil sa kanyang pagiging viral online naimbitahan na si Bernie noong 2020 sa ‘Eat Bulaga’ upang maglaro sa ‘Bawal Ang Judgmental’ at sa pangalawang pagkakataon ay naglaro ulit nitong nakaraang buwan sa ‘Eat Bulaga’ si Bernie sa ‘Bawal Ang Judgemental’ at nakapag-uwi ito ng 80k na kanyang napanalunan nang araw na iyon.

Mukhang inuulan nga ng biyaya at sunud-sunod ang blessing na natatanggap ni Bernie ngayon dahil sa dami ng produktong kumukuha sa kanya para maging endorser tulad ng mga sumusunod:Blossom Babe, Magic Mall, All Out Mushroom, Woof, Petals, CcLand World of Sweets, Astrobot Invention, X chains, Bimajo, Bewell.

At nung nakaraang February 04 ay nag guest na rin ito sa‘Mars Pa More’ ng GMA News TV at sa mga radio station and Online Guesting like TV Global, Canada Online.

Ipinanganak si Bernie sa San Nicolas, Pangasinan. Apat silang magkakapatid at siya ang panganay. At nung Grade 3 ito lumipat sila ng tirahan sa Natividad, Pangasinan. Nagsimulang makilala si Nakakaloka at Pinakamasungit na Tindera noong October nang maging viral ang mga patok nitong paandar bilang tinder

At ngayong darating na March 5 ay kasama siya at mapapanood sa pelikulang ‘Ayuda Babes’ na idinirek ni Joven Tan kasama ang mga sikat na komedyanteng sina Brenda Mage, Negi, Ate Gay, Petite, Juliana at aktor na si Gardo Versoza at marami pang iba.

(STARS EVENTS by MIKO CAYAGO / BISTADODAILYNEWS.NET)