Breaking News, Showbiz

Benjamin Alves may hugot sa character niyang si Doc Migs  

MALAPIT sa loob ni Benjamin Alves ang kanyang character sa ‘Owe My Love’ na si Doc Migs Alcancia dahil kahit papaano raw ay nailalabas niya ang mga gusto niyang iparamdamdam sa kanyang yumaong ama. 

            Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Ben ang message niya sa kanyang late dad: “I hope you hear the things I never got to say to you through my relationship with Lolo Badong (Leo Martinez). I hope you see how much I wanted to say I love you but never could. I wish I could’ve taken better care of you the way Migs does to his Lolo. Still, I hope you are happy with me as your son.”

Ganito rin ang naging sagot niya sa #KPRGAsks sa Facebook page ni Kapuso PR Girl: “Lahat po ng mga linya ni Doc Migs, yun po ang feelings ko toward my dad. ‘Yun po ang pinakahugot for me for the character na Doc Migs.”

            Tiyak kaming marami rin ang nakaka-relate sa karakter ni Ben bilang isang mapagmahal na apo. Kaya naman tuloy lang ang pagsubaybay sa kuwento ni Doc Migs Alcancia gabi-gabi sa GMA Telebabad.

                        ******

            Tina Paner at Ysabel Ortega magkakasubukan sa ‘Game of the Gens’

G na G sa paghahatid ng good vibes ang ‘Game of the Gens’ hosts na sina Sef Cadayona at Andre Paras, kasama ang Gen Dolls, sa episode ng Game of the Gens ngayong Linggo (March 7).

            Mapupuno ng saya at tiyak na kapupulutan ng impormasyon ang tagisan sa pagsagot ng fun trivias ng mag-inang Tina at Shane Paner laban kina ‘Voltes V: Legacy’ star Ysabel Ortega at uncle niyang si Robert Ortega.

            Kaninong tandem ang mas matinik sa pagsagot sa mga trivia? Abangan yan ngayong Linggo sa ‘Game of the Gens,’ 7:45pm, sa GTV!

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)