Breaking News, Showbiz

Baron Geisler nagbago na dahil sa pamilya at kay Lord

SA guesting ni Baron Geisler sa You Tube channel ni Toni Gonzaga kamakailan, sinabi niya na sa Cebu na siya naka-base.

“3 years na akong nakatira sa Cebu. And I loved it. Why? Because that’s where I found God or I could say, that’s where God found me. Du’n din nag-mature, nag-progressive, nagbabago. I learned a lot of things. And then I met my wife. Now I have kids. Tuluy-tuloy na. May business na rin ako roon.” sabi ni Baron.

Pagkarinig ni Toni sa sinabing ‘yun ni  Baron, nag-comment ito ng ‘Parang this is the new Baron?’

Pero ayon sa aktor, “I’m still Baron. But I’m a better version of that guy. I could say that I’m a better version now. First of all, having kids, I wouldn’t want anything to happen to them. As much as possible, I want to behave, stay away from troubles. Ayoko ng enemies. I want my little Talitha to, parang…not naman idolizing me but to be proud of me ‘that’s my dad!’ Also I want my wife to be happy. Happy wife, happy life!”

Ang asawa ni Baron ay si Jamie Evangelista  na isang psychologist. Na-meet niya ito sa isang rehabilitation center noong na-rehab siya rito.

Sa interview na yun ni Baron with Toni, ramdam namin na talagang nagbago na siya, mula nang natagpuan niya na si Lord.  Wala na nga tayong nababalitaan na nasasangkot siya sa gulo unlike before. Siguro, nakatulong din na meron na siyang sariling pamilya, di ba?

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)