Breaking News, Showbiz

Bagong bahay at kotse ni Bidaman Wize, galing sa mayamang bading?

MABILIS na sinagot ng ‘It’s Showtime’ Bidaman na si Wize Estabillo ang kumakalat na isyu na kesyo galing daw sa mayaman at maimpluwensiyang bading sa Batangas ang kanyang bagong red vios car at new house.

Maaalalang kamakailan ay naikuwento nito sa inyong lingkod na marami siyang natatanggap na indecent proposal lalo na nang mag-pandemic at isa na nga rito ang napakayaman at maimpluwensiyang tao sa Batangas.

Ayon kay Wize, “Grabe naman porke’t may bago kang kotse at bahay ibig sabihin na galing sa mayamang bading, di ba puwede na nag-ipon ka nang matagal na panahon, tapos nang makaipon ka bumili ka ng kotse at pinaayos mo yung lumang bahay ninyo?

“ Hindi naman instant na meron akong kotse at bahay dahil matagal-tagal din po akong  nag-ipon mula sa kinita ko sa trabaho ko bilang steward sa Philippine Airlines, pagbi-bigo at sa pagso-showbiz.

“Di dapat kung tinanggap ko yung mga nag-offer sa akin ng kung anu-ano eh di dapat naka-sports car na ako at hindi vios o kaya naka-mansion na ako, kaso hindi kasi hindi ko tinanggap.

“Katulad nang sinabi ko dati na  hindi naman ako against sa mga taong pumapatol sa mayayamang bading kapalit ng sarili nila dahil choice naman nila iyon, pero hindi talaga ako ganun and hindi ko talaga kaya.

Mula sa dugo’t pawis daw ang pinuhunan ni Wize sa kanyang kotse at bahay galing sa kanyang trabaho at sobrang pagtitipid para mabili ang gusto niyang kotse at mapagpagawa niya ng bahay ang kanyang pamilya.

Hangang ngayon daw ay marami pa rin ang indecent proposal na natatanggap ni Bidaman Wize na hindi na lang nito pinapansin at ini-entertain, mas gusto daw nito na magkaroon ng mga bagay na gusto niya na galing sa kanyang pinagtrabahuhan at hindi galing sa bigay ng ibang tao na ang kapalit ay ang kanyang sarili.

Sa ngayon daw ay masaya si Wize sa kung anong meron siya at kahit paano daw ay kumikita siya sa kanyang nga online guesting, regular online host ng ‘It’s Showtime’ at sa pagbi-Bigo.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)