Breaking News, Showbiz

‘Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert’ sa April 18 na!

ISA sa pinakamatinding tinamaan ng pandemya dulot ng  Covid-19 ay ang entertainment industry.  Natigil ang mga live event at wala pang kasiguraduhan kung kailan babalik sa normal ang lahat. Kaya naman ang The Philippine Movie Press Club (PMPC) ay bumuo ng virtual concert titled  ‘Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert’ na magaganap sa April 18, 2021 (Sunday), via  ticket2me.net platform, 8:00 pm (PHST & SGT), 5:00 am (PDT).

Isa itong virtual concert kung saan magsasama-sama ang mga kilalang mang-aawit at mga sikat na personalidad ng bansa.  Ang ‘Awit Sa Pandemya’ ay fundraising concert na ang layunin ay makapagbigay ng kasiyahan sa manonood at para makalikom ng halaga dahil ang proceeds ay mapupunta sa medical assistance ng PMPC officers at members, lalo na ang mga senior at mga may sakit na miyembro.

Ang Benefit Concert ay pangungunahan ng mga singer at artist na sina Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela, Gerald Santos, Ima Castro, Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma. Makakasama nila sina (in alphabetical order) JV Decena, Gari Escobar, Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia , Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa, Lil Vinceyy, and the Zcentido Ska Band.

Ang proyektong ito ay pinangungunahan ng PMPC Special Project Committee na binubuo nina Over-all Chairman/President Roldan Castro, Chairman/Vice President Fernan de Guzman, Co-Chairman Rommel Placente at mga miyembrong sina Rodel Fernando, Boy Romero, Mildred Bacud, Timmy Basil at John Fontanilla, at ang buong pamunuan at mga miyembro ng PMPC para sa publicity and promotions.

Mabibili ang tiket para sa ‘Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert’ sa ticket2me.net. Stay safe at the comfort of your home and enjoy the show.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)