Breaking News, Lifestyle, Nations

ATRAKSIYON SA DRT ,’ONE OF THE BEST’ SA BULACAN

Doña Remedios Trinidad,Bulacan- Itinuturing na ‘best tourist destination’ sa hanay ng mga nature-lover tourist ang mga ipinagmamalaking pasyalan na patok na patok ngayon sa bayan ng Doña Remedios Trinidad sa lalawigan ng Bulacan.

Isa sa maraming lokal na turista na nagbigay ng mga papuri sa patok na atraksiyon ay si San Ildefonso Mayor Carla Galvez- Tan na nagbigay ng sariling komento sa pamamagitan ng kanyang Facebook Account ,na isa sa pinakamagandang lugar na hindi dapat palampasin ay ang mga tourist spots sa bayan ng DRT.

Personal na bumisita ang alkalde sa isa sa pangunahing pinupuntahan ng mga turista ang Tila Pilon Hills na matatagpuan sa Brgy.Kalawakan na inilarawan nito na isang tahimik at ramdam ang samyo ng hangin ng magandang kapaligiran na malilimutan pansamantala ang abalang kalunsuran sa sinuman turista na bibisita sa mayaman at magandang tanawin partikular ang relaxing view ng kalikasan.

Prominente sa naitalang 78 tourist destination ng DRT Tourism Office na paboritong pasyalan ng mga turista maging ang ilan showbiz personality na hindi pinalampas ang pag-explore katulad ng mga waterfalls and rivers adventures na garantisadong sulit ang buong hapon na pamamasyal ay ang Talon ni Eva ng Brgy.Kalawakan na tunay na stress reliever kapag naranasan na maligo sa rumaragasa at malamig na tubig mula sa talon .

Kabilang rin sa tourist spots sa lugar ay ang Mandala Falls at Simbahang Bato sa Brgy.Camachile; Adarna/13th Falls at Candle monument sa Mt.Lumot sa Brgy.Camachin ; Digos Hills ng Talbak at Carribean Water Park Resort sa Pulong Sampaloc.

Kaugnay nito ,bunsod na pagdagsa ng mga turista kasabay ang unti-unting pag-angat ng turismo at pagbangon ng ekonomiya matapos ang mahabang pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic ang lokal na pamahalaan sa ilalim ng liderato ni Mayor Mari Flores kaaagapay si Vice Mayor Ronaldo T. Flores ay patuloy sa pagsusulong sa pagpapaunlad ng lokal na turismo sa kanilang nasasakupan.

Binigyan-diin ng dalawang opisyal,nagkaroon ng alternatibong hanapbuhay ang mga dating kaingero sa kabundukan na ngayon ay nagsisilbing local tour guide sa mga turista. Idinagdag pa na patuloy ang panawagan ng alkalde sa lahat ng mga bumibisitang turista sa DRT na alamin ang pangalan at kung may I.D.ang tour guide na nagsisilbing gabay sa kanilang pamamasyal upang kung magkaroon ng pagkakamali ay kaagad na ipagbigay-alam sa kanyang tanggapan o sa DRT Tourism Page ang anumang maling gawain na kailanman ay hindi kukunsintihin ng kanyang liderato.

Nananatiling COVID -19 free ang bayan ng DRT bunsod ng mahigpit na pagpapatupad ng Local-IATF sa ilalim ni Mayor Flores sa health protocols lalo na sa mga dumadagsa na turista sa kanyang nasasakupan.

Ang munisipalidad ng DRT na binubuo ng walong barangay lamang at bahagi ng ikatlong-distrito ng lalawigan ay naitatag noong 1977 sa ilalim ng administrasyon ni yumaong Pangulong Ferdinan Marcos na ipinangalan kay Doña Remedios Trinidad Romualdez na ina ni First Lady Imelda Romualdez Marcos . ( Bong Cruz, bistadodailynews.net)