Breaking News, Showbiz

Arnel De Pano binalikan ang mga karanasan sa musika at pagiging COVID-19 survivor

MASASABING naging pandemic anthem lalo na last year ang iconic Gospel song na ‘Lead Me Lord’ composed by award-winning composer, arranger, producer, music director at Gospel artist na si Arnel De Pano. Nagbigay kasi ng inspirasyon at encouragement ang naturang kanta sa maraming Pinoy frontliners gayundin sa mga nagkasakit ng COVID-19.

Maski nga si Arnel ay humugot din ng lakas at inspirasyon sa ‘Lead Me Lord’ dahil sa kanyang pinagdaanang pagsubok nang magpositibo siya sa COVID-19 at makipaglaban sa sakit noong March 2020. Pero napagtagumpayan niya ito at gumaling sa sakit. Naging send off song pa ito nang kantahin ito ng mga doktor at nurses paglabas niya sa Marikina Valley Medical Center bilang COVID-19 survivor.

Kabilang ang topic na ito sa mga napag-usapan sa guesting ni Arnel sa ‘MarkyTalk 101: One-on-One Conversations’ noong Biyernes, February 5, kasama ang host na si Direk Mark Aranal. May special appearance naman sina Pastor Edward Granadosin at Dodjie Simon.

Itinuturing ni Arnel na miracle at second life ang paggaling niya mula sa COVID-19.

Nagpapasalamat siya sa Panginoon at sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang paggaling. “Alam mo ang naaalala ko when I was confined yung dami nang nananalangin para sa akin. Nararamdaman mo pala iyon na it gives you strength at hindi ka napanghihinaan.”

Pero si Arnel din pala ay nakapagbigay ng lakas at encouragement sa mga doktor at nurses ng ospital. Kuwento nga niya, lately lang daw niya nalaman iyon sa interview ng isang nurse na na-assign sa kanya. Gustong-gusto raw ng mga ito na bumisita sa room ni Arnel dahil sa kanyang positive outlook hindi tulad ng ibang COVID patients na gusto nang sumuko. Si Arnel daw ay talagang lumaban at naging sandigan ang Panginoon. Noong malaman ng mga doktor at nurses na si Arnel ang nag-compose ng ‘Lead Me Lord’ ay ito nga ang kinanta nilang send off song kay Arnel bago lumabas ng ospital.

Siyempre napag-usapan din sa MarkyTalk 101 ang musical journey ni Arnel. “Yung family ko is a well-known secret that all of us are singers. We sing in church. Both my parents were part of the choir. Even the families that we came from were musical families. So, it’s natural for us to serve in church and go into music. Hindi ko lang alam where I got my songwriting chops. Wala sa family ko yung nagsusulat ng kanta. I think I’m the first sa aming family,” kuwento ni Arnel.

Malaking impluwensiya raw at naging jumping board para sa kanya ang pagseserbisyo sa Church kaya naman hanggang ngayon ay nangunguna pa rin ito sa kanyang bokasyon.

Pati ang mga naisulat niyang mga kanta ay mga awit ng papuri para sa Panginoon at contemporary chorale music. Una na riyan ang iconic Gospel song na ‘Lead Me Lord’ na unang inawit ni Basil Valdez at ginawan din ng bersyon ni Gary Valenciano. Nariyan din ang ‘Lipad ng Pangarap’ na kinanta rin ni Gary, at ang Papuri classics na ‘Kailan Pa Man,’ ;Itatawid sa Landas,’ ‘Kaisang Puso,’ ‘Isang Awit Isang Panginoon’ gayundin ang paboritong Papuri anthem na ‘Dakilang Katapatan.’

Kabilang naman sa mga parangal sa musika na nakuha ni Arnel ang pagiging two-time winner ng National Commission for Culture and the Arts – National Music Competitions for Young Artists (NCAA-NAMCYA) Choral Writing Competition. Recipient din siya ng Gawad ng Komisyon ng Wikang Filipino para sa kanyang mga kontribusyon sa original Pilipino church music.

Dati siyang bass section leader ng San Miguel Maste Chorale. At kasalukuyan siyang tumatayong Music Director ng BPI Voices Chorale.

Positibo ang pananaw ni Arnel para sa taong ito. “I think 2021 is the year of hope, 2020 was the year of trial. Nag-innovate tayo, nag-adjust sa new normal. This 2021 promises so much. There is a reason to hope. It’s strange for me to say it that I went through COVID and the world is still experiencing the pandemic, and I’m saying it’s a year of hope. But I’m saying that because I believe that. Last year was a preparatory year, we were tried, we were tested. We were put through the fire for cleansing and refinement. And this year will be a year of hope. I can see that we will be triumphant with what’s happening now,” sabi ni Arnel.

Samantala, pagkatapos ni Arnel susunod namang magiging special guest sa MarkyTalk 101 sa February 13, 11pm, ang magaling na aktres na si Princess Punzalan. Big month para kay Princess ang February sa MarkyTalk dahil nakatakda rin siyang mapanood sa pagbibidahan niyang malaking online production ng MarkyTalk na Priksyon, a dramatic reading ng isa sa mga obra ni Gina Marissa Tagasa, sa February 20, 11pm.

Ang MarkyTalk 101 at Priksyon ay kabilang sa collection of online self-produced programs, broadcasting live or pre-recorded as a live performance na inoorganisa ng MarkyTalk, isang community of Christian artists.

Mapapanood naman ang ‘MarkyTalk LSS: Love Month Edition’ sa February 12, 11pm. Regular ding napapanood ang ‘MarkyTalk Hope: Hour of Prayer and Encouragement’ tuwing Linggo at ‘MarkyTalk R&R: Ratings & Reviews’ tuwing Martes. Lahat ng produksyon ng MarkyTalk ay mapapanood sa official Facebook Page nito at sa YouTube channel na MarkyTalk Events.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)