Breaking News, Showbiz

Anne ‘di nakapagselebreyt ng birthday sa ‘It’s Showtime’; Rabiya kinontra si Duterte

HINDI nangyari ang inaasahan ng madlang pipol na isselebreyt ni  Anne Curtis ang kanyang 36th kaarawan sa live telecast ng programang ‘It’s Showtime’ nitong Miyerkoles, February 17.

Hindi naman nagkulang ang kanyang ‘It’s Showtime’ family na batiin siya sa kanyang kaarawan, gaya ni Vice Ganda na naunang bumati sa actress-host.

Mensahe ni Vice sa kaniya, “At dahil dapat mukhang dyosa katulad na lamang ng mahal na mahal ko at mahal na mahal nating lahat at miss na miss na natin na sisterette ko na nagbi-birthday ngayon, batiin natin nang sabay-sabay… Happy birthday, Anne Curtis!!!”

Patuloy pang kuwento pa ni Vice, “Tinawagan ko siya kanina, nagpapadede. Ang cute-cute ni Dahlia.”.

Hindi lang mga fans ni Anne ang nais na siyang makabalik  sa ‘It’s Showtime,’ after a year na magbakasyon sa Australia (kung saan nakabase ang kanyang mga magulang) dahil  sa kanyang pagbubuntis at pagsilang sa kanilang unang anak ni Erwann Heussaf sa panganay nilang si baby Dahlia.

Bagama’t walang Anne’s special birthday celebration sa show, marami namang sumorpresa kay Anne kinabukasan sa kanyang paggising dahil sa dami ng greetings na kanyang natanggap mula sa kanyang fans at supporters.

Sorpresa din kay  Anne ang pagti-trending sa Twitter ng kanyang 36th birthday na may hashtag na #AnneCurtisJourneyAt36 kaya’t taos-puso ang kanyang pasasalamat sa lahat ng bumati.

Sey ni Anne, “Woke up to this. Thank you so much my loves in the Twitter world!!!! Sending our virtual hugs and kisses to you all!”.

                                                          *****

            Rabiya Mateo kinontra si Duterte

HINDI nagustuhan ni President Rodrigo Duterte ang pasaring ni Vice President Leni Rodrigo sa isa niyang panayam sa TV Patrol last Tuesday, February 16, na ‘extortion’ lamang daw ang nais ng chief executive sa paghingi nito ng pondo sa US Visiting Forces Agreement (VFA) sa bansa, kaya’t nasabi ni Duterte sa isa niyang pahayag that women are not fit for presidency.

Ganito rin ang nauna nang pahayag ni Duterte during the inauguration of the Skyway Stage 3, last January, na itinatangging ang kanyang anak na si Sara Duterte-Carpio would succeed him in 2020.

Ayon pa sa naunang pahayag ni Pang. Duterte, “My daughter, inuudyok naman nila. Sabi ko my daughter is not running. I have told Inday not to run kasi naawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko.

“Hindi ito pambabae (presidency). Alam mo, the emotional set-up of a woman and a man is totally different. Maging gago ka dito. That is the sad story,”.ani Duterte.

Sa mga naging pahayag ni Duterte, nakarating at nagbigay ng reaction si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa mga nakaraang statement ng Pangulo, that women are not fit for the presidency.

Sa isa nitong interview with pageant website Missosology nitong weekend, sinabi ng 24-year-old beauty queen that she “completely disagrees” with the president’s opinion, noting that the country has had two female leaders: Corazon “Cory” Aquino and Gloria Macapagal Arroyo.

“By doing that women are as capable as men in handling a nation,” sey ni Rabiya..

Kanya ring binanggit na isa ring babae ang New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern, na pinuri sa buong mundo for her government’s quick action on COVID-19.

“Their female leader was able to nurse a newborn but at the same time she was able to become a mother to her land,” tinutukoy niya’y si PM  Ardern, who gave birth to her first child while still running the country in 2018.

Ipinunto pa ni Rabiya that emotions can make for great leadership.

“I am a woman and I believe that my [emotions] do [take] part in my leadership skills. I have so much heart, I have so much calling in being a leader actually and I do disagree with this thought. I can lead my country because I have the power to do so, we live in an era in which we need to treat men and women equally. We need to give them the same opportunities. I won’t agree with something like this (Duterte’s remark) because I know my capabilities and strengths as a woman and I know I can make a difference, so much difference”

“We need female leaders who will put their emotions in making decisions. Because it’s not all about experience. Sometimes you need to [use] your [emotions] to be the mother of the country,”..

Naitanong din kay Rabiya which quality Filipinos should look for in candidates in the 2022 national elections.

“If there’s going to be one aspect of being a leader that I would like to highlight, that is being honest, because all the good things will go after that. An honest leader is somebody who is just, who is humane but most importantly he or she is accountable [for] what is happening in his or her country.

“We need to look at the background of these leaders. And we really need to use our mind and our heart in doing so because this is going to give the opportunities to our children to build a better society for the future,

“So I hope this 2022, Filipinos will be smarter and we will choose the best possible leaders for our country,” makahulugan niyang pagtatapos.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)