Breaking News, Showbiz

Anne Curtis nagpaalala sa mga supporter

SOBRANG alarming na ang pagtaas ng Covid-19 cases sa bansa kada araw lalo na sa mga bayang idineklarang under ECQ gaya ng sa National Capital Region (NCR), Cavite, Bulacan, Rizal, at Laguna, na magtatapos sana ang lockdown nitong April 4, pero dahil patuloy pa rin ang pag-akyat ng bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa lugar na kanilang nasasakupan, inanunsiyo ng Palace spokesperson Harry Roque nitong April 3, na extended muli ng isang linggo ang Enhanced Community Quarantine sa mga nabanggit bayan na magsisimula sa April 5 to 11.

Kaya naman naalarma ang mga netizens, at maging ng ‘It’s Showtime’ host, Anne Curtis na nagpaalala sa kanyang mga supporters sa pamamagitan ng social media para sa masusing pang-unawa tungkol sa plano ng ating gobyerno sa gitna ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases, at habang hinihintay pa rin ng lahat ang pagdating ng kaukulang Covid vaccines sa bansa.

Bunsod ito ng bagong kaso ng virus nitong  April 2, na may record-high COVID-19 daily cases at 15,130, 3,709 of which are backlogs.

Sa kanyang Twitter page post, “This is quite alarming (referring to the 15,310 recorded COVID-19 daily cases). Specially knowing that not everyone can/has gotten tested. So what is the plan? What are the next steps?

” it would be nice to be given more light on what is to happen while waiting for vaccines to arrive.. so with what hope we have left we can work together as a nation…

 “I would like to think that everyone understands we have to take the necessary precautions to stay safe… but it would be nice to be given more light on what is to happen while waiting for vaccines to arrive… so with what hope we have left we can work together as a nation.” pahabol pa ng It’s Showtime host.

— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) April 3, 2021

                                                             *****

            Misis ni Gary V, Covid-free na

MASAYANG ibinahagi ng  ‘ASAP Natin ‘To’ host, Gary Valenciano sa kanyang Instagram page na ang kanyang asawang si Angeli Pangilinan na nagpositibo sa virus nitong nakaraang linggo lamang, ay ngayo’y, COVID-19 free na..

Sey ni Mr. Pure Energy, “It was a scare because she did have it indeed but my wife Angeli is finally free of COVID-19. The Lord took care of us as I never got it even if I was exposed to her on the day the test result came to her.”

Nabalitang kasama ni Angeli na tinamaan ng virus ang dalawa pa niyang staff sa kanilang Antipolo residence. Pero ayon din sa social media account ni Gary, kanya ring ibinahagi, that all of those who contracted COVID-19 in their household are now also free of COVID.

“Three people got COVID in our home all at the same time but all are now negative.” .

Mismong si Gary at buong kasambahay ay sumailalim din sa home quarantine pagkatapos nagka-Covid-19 positive si Angeli at dalawa pa niyang staff..

Bahagi rin ng kanyang post ay ang kanyang pasasalamat sa mga taong nakiramay at nagdasal sa ikabubuti ng asawa.

“I really, really can’t thank you enough for all the prayers you sent our way. We love you and may Jesus become real in your lives the way He has become the truth in ours,”.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)