Breaking News, Showbiz

Anne Curtis, ‘most followed’ sa twitter; Pokwang bumuwelta sa netizen

NANGUNGUNA sa paramihan ng Twitter subscribers si Anne Curtis at kanyang kinabog ang kapuwa celebrities na sina Kathryn Bernardo, Angel Locsin, Marian Rivera, Vice Ganda, Sarah Geronimo at Kim Chiu.

Umabot na sa 14-million followers ang kanyang naitalang bilang dahilan para siya ang kinikilala bilang kauna-unahang Filipino celebrity na ‘most followed’ sa Twitter.

Bilang pasasalamat, ibinahagi naman ni Anne ang magandang balita sa lahat ng kanyang supporters nitong Martes, March 23:

“Thank you, my tweethearts!”

Thank you My Tweethearts!!!

— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) March 23, 2021.

Dahil ditto, si  Anne pa rin ang sinasabing consistent sa pangunguna bilang most followed personality in the Philippines on Twitter, sunod ang kasamahang host sa ‘It’s Showtime’ Vice Ganda, at mga aktres na sina Angel Locsin at Kathryn Bernardo, at ang nag-iisang Pinoy celeb na si Daniel Padilla.

Maging sa kanyang  Instagram account, si Anne ay consistent din bilang most-followed Filipino celebrity on the platform na may higit na 16 million followers.

Bukod pa sa pagkilala  ng Twitter sa kanya, si  Anne din ay nakasama  sa mga Top 100 Digital Stars in Asia by Forbes magazine nitong 2020.

Ang nasabing Forbes’s list ay pagkilala na rin sa “100 singers, bands, film, and TV stars with a strong social media presence” sa Asia-Pacific region.

At bilang isa sa Digital Stars ng Forbes, sila rin ay kabilang sa mga celebrities who “have maintained their relevance” amid the COVID-19 pandemic and utilized their influence to help.

                                                              *****

            Pokwang bumuwelta sa netizen na tinawag siyang chaka

SAMU’T SARING pang-ookray ang natatangap ni Pokwang bunsod ng kanyang pagbibigay ng opinyon sa kakulangan ng pamahalaang Duterte sa pagsugpo ng Covid-19 sa bansa.

Sa isa niyang tweet, sey ni Pokwang, magkaiba po ang masunurin sa uto utong TANGA.

Kanya ring sinagot ang ilan niyang bashers na hindi sumasang-ayon sa kanyang views at sa pamamagitan ng kanyang Twitter account nitong Martes, March 23, binuweltahan nito ang isang basher kung saa’y tinatawag siyang pangit, mukhang yaya o chaka.

halata mo mga BOBO kapag ang atake na sa opinyon mo ay personal nandyan ang tawagin kang pangit, chaka, etc. excuse me ang kapangitan ko ang nagpaganda sa buhay ng pamilya ko at mga nagtatrabaho sa aking negosyo na binubuhay ang pamilya nila na natulungan ng kapangitan ko e ikaw?

“Hanggang sumusunod ka sa batas at wala kang ginagawang ilegal sa batas ng tao, gobyerno at sa Dios wala ka dapat ikatakot woohooo

— marietta subong (@pokwang27) March 23, 2021

Laking pasalamat din ni Pokwang na naisipan nitong gawing malakihang negosyo ang pagbebenta ng kanyang home-made food products bago pa dumating ang Covid pandemic. Kaya naman puwede nitong ipagmalaki na hindi lang ang showbiz ang kanyang inaasahan para mabuhay.

Sa ngayo’y unti-unti nang nakikilala ng mga online shoppers ang kanilang home made food products business katuwang ang kanyang asawang si Lee O’ Brian sa pamamahala ng PokLee Food Products .Wala raw katulad ang lasang dulot ng kanilang iba’t ibang produkto gaya ng sili garlic aligue, garlic aligue, espesyal suka, gourmet tuyo, tinapa, strawberry jam, kimchi, at roast chicken as part of their product line. In fairness, nabibili na ang PokLee Products sa ilang groceries at bazars sa pamamagitan ng online selling.

Napapanood din si Pokwang sa game show ng TV5 na “Fill In the Blanks” gabi-gabi with Jose Manalo.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)

                                                              –