Breaking News, Showbiz

Anne at Erwan, 6-day quarantine sa hotel; ‘Ang Probinsyano’ mas tumitindi ang tensyon

SA Instagram post ni Erwan Heussaff  nitong Miyerkoles, February 10, kanyang ibinahagi sa  social media at sa kanilang supporters na sila’y nakabalik na ng asawang si Anne Curtis sa Pilipinas  kasama ang anak na si Dahlia.

Matatandaang lumipad papuntang Australia sina Anne at Erwan noong December 2019 para doon isilang ang panganay nila ni Erwann. Nanganak si Anne noong March 4,2020 at dahil doon sila inabutan ng pandemya, nagsilbing ang lockdown at strict travel restrictions ang naging dahilan kung bakit tumagal sila sa Australia ng isang taon doon.

Sa ngayo’y sumasailalim sa 6-day quarantine sina Anne sa kanilang tinutuluyang hotel dito sa Pilipinas.

Ipinost ni Erwan sa Instagram ang 19-second long video na compilation ng random video clips na nagpapakita ng biyahe nila pabalik sa Pilipinas.

Kasama rito ang kanilang flight, ang traffic na sinuong papunta sa hotel, at ang mga pinagkaabalahan nila sa hotel habang naka-quarantine bago ang pagsasailalim ng mag-asawa sa swab test.

Saad ni Erwann sa caption, “Melbourne to Manila and 6 days hotel quarantine done [check emoji] 8 days of Home Isolation to go. Home after 1 year” .

Maalalang sa isang online interview ni Anne noong September 2020, ipinaliwanag nito kung bakit nagdesisyon sila ng asawang huwag munang bumalik sa Pilipinas matapos manganak.

“Given the current situation, na-extend talaga yung stay namin dito because, I mean, if it was just me, no problem. Kaya kong lumipad anytime.

“Pero now, I have a little life to think of and she is the top priority. Her safety is the top priority and her health.”

Pabor naman ito sa ‘It’s Showtime’ host na ginampanan ang pagiging mommy kay Dahlia.

“Honestly, the silver lining of it all is that Dahlia gets both of her parents 24/7.  Pareho kami.

“I think that’s the beauty of what’s happening now.We get to spend so much time with her. All of our hours are just dedicated to Dahlia.” sey ni Anne.

                                                        —@@@—

            Lalong tumitindi ang tensyon sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Ngayong wala na si Alyana (Yassi Pressman), mas tumitindi ang mga susunod pang mga eksena dahil sa umiinit na tensyon sa pagitan nina Cardo (Coco Martin) at Lito (Richard Gutierrez) lalo na ngayong umiigting na ang pagdududa niya sa totoong pagkatao ni Lito sa tumitinding mga eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Hindi na rin maiiwasan ang harap-harapang bakbakan nina Cardo at Lito dahil sa lumalaking hinala niyang trinaydor nito ang buong Task Force Agila kaya nalagay sa panganib ang kanilang buhay at nasawi si Alyana

Habang inaalam pa ni Cardo ang pagtatraydor sa kanya, hindi muna siya magtatrabaho para kay Lito, sa dahilang mas lalo pang kukulo ang dugo niya dahil unti-unti na rin niyang nadidiskubre ang sikretong nakaraan nito at ni Alyana.

Mas kaabang-abang pa ang mga susunod na episodes sa FPJ’s AP  lalo na ngayong pinaplano na ng Task Force Agila ang susunod nilang hakbang, inutusan na ni Lily (Lorna Tolentino) ang grupong Black Ops na dalhin sa kanya ang bangkay ni Cardo upang masiguro na patay na talaga ito.

Bukod sa Black Ops, panibagong mga kaaway din ang makakabanggaan ni Cardo sa mga bagong karakter nina Bubbles Paraiso, Franco Daza, Drey Brown, Zeppi Borromeo, at Jamina Cruz sa kanilang pagsanib-pwersa sa grupo ni Lito upang pabagsakin na si Cardo.

Ang tanong, matuklasan na kaya ni Cardo ang lahat ng mga sikreto ni Lito? Paano haharapin ni Cardo ang mga grupong tumutugis sa kanya?

Sa mga nasasabik sa mga susunod na kaganapan, panoorin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)