Breaking News, Showbiz

Ang pagkakaiba ng pagiging beauty queen at aktres para kay Maxine Medina

HINDI nagsunog ng tulay at maayos ang naging pag-alis ni Maxine Medina sa bakuran ng ABS-CBN.

Wala pang pandemya at may prangkisa pa ang naturang TV station nang lumipat si Maxine sa GMA, Disyembre ng 2019, kaya hindi siya maaaring akusahan ng kahit na sino na umalis siya sa Kapamilya Network kung kailan ito nawalan ng prangkisa.

Sa ‘First Yaya’ ng GMA ay gumaganap si Maxine bilang si Lorraine Prado na nang-aapi kay Sanya Lopez (bilang bidang karakter na si Melody Reyes). Leading man naman sa naturang teleserye si Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta); at kasama rin nila sina Pancho Magno (Conrad Enriquez), Pilar Pilapil (Blesilda Acosta), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Sandy Andolong (Edna Reyes).

Ipakikilala naman sa ‘First Yaya’ ang tandem nina Cassy Legaspi (Niña Acosta) at  Joaquin “JD” Domagoso (Jonas).

Dahil si Maxine ay Binibining Pilipinas-Universe 2016 title-holder, tinanong namin siya kung ano ang pagkakaiba ng pagiging isang beauty queen at pagiging isang aktres.

“Actually ang difference po kasi ng pageant and being an actor is  that you have more time to… aralin lahat kung ano’ng kailangan mong gawin.

“Like, kunyari, sa role ko,  this is new to me e, being a kontrabida. So may time ako para aralin siya. Pero compared to pageants, you have minimum time like to, give it all. Just one snap, kailangan mabigay mo talaga lahat.

“Walang mali, kailangan perfect, everything. So one time, big time siya. But being an actor, it takes a lot more time to, like being into that role na binibigay sa iyo.

“So for me, nae-enjoy ko siya ngayon kasi iba-ibang role yung nabibigay sa akin. Like now, sobrang happy ako and blessed kasi ang dami ko ding natutunan. Since , ako po kasi yung taong, like,  ang hirap magalit, ang hirap magbigay ng thoughts kasi very careful po ako, compared to my role now, is  sobrang galit ako, insecure ako,  tapos nilalabas ko talaga lahat.

Well sa lahat ng ginagawa ko dito is with the help of direk LA. Natututunan ko siya along the way. Iyon po.”

Si Maxine ay nasa pangangalaga ng Mercator Artist & Model Management at Empire.PH ni Jonas Gaffud.

Samantala, nasa ‘First Yaya’ rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.

Ang ‘First Yaya’ ay sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen at napapanood Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi.

            *****

Speaking of Joaquin Domagoso, guwapo, anak ng mayor at isang artista, lapitin ba ng mga girls si Joaquin?

“Wala po, wala po. I try to push away coz I’m not yet ready,” mabilis na sagot ni Joaquin.

“After what I did before, nagka-relationship po ako before, e. Hindi pa ako ready.”

Dahil bata pa siya noon at hindi pa handa, hindi nagtagal ang naturang pakikipagrelasyon ni Joaquin sa isang non-showbiz girl.

“And you know, it happens naman e, love happens anytime. Hindi mo lang alam. I don’t wanna push myself to look, you will find lang.”

May crush si Joaquin.

“Yung nakikita ko na maganda,” ang nakangiting wika ng binatang anak ni Manila City Mayor Isko Moreno.

Crush niya ang ‘First Yaya’ female lead nasi Sanya Lopez at ang ka-loveteam niya sa show na si Cassy Legaspi.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)