Breaking News, Showbiz

Andrea del Rosario nag-enjoy sa paggawa ng horror

AMINADO ang former Viva Hot Babe member na si Andrea del Rosario na mahirap at nakakapanibago ang sistema ngayon sa mga nauusong lock-in taping or shooting.

Ngayong Linggo (Feb. 7, 8pm), mapapanood si Ms. Andrea sa TV5’s Kagat ng Dilim sa episode na pinamagatang Sabel. Ito’y mula sa direksiyon ni Topel Lee at tampok din dito si Louise Delos Reyes.

Nabanggit ni Ms. Andrea ang experience niyang ito. “Na-experience kong mag-shooting sa isang lock-in set sa pelikulang ‘Biyernes Santo’ starring Ella Cruz… but first time ko na one week nakulong sa hotel before a taping.

“Mahirap, because ang daming wasted time that we can have with our families,” kuwento ni Ms. Andrea.

Dagdag pa niya, “But on the other hand, tapings and shootings became more efficient.”

Ano ang role niya sa Kagat ng Dilim?

“Ang role ko is sister of Louise Delos Reyes (Sabel)… Ako bale ang naging rason kung bakit siya namatay.”

Ipinahayag pa ng aktres na masaya siya sa taping nito at na-impress dahil high tech na ngayon ang sistema.

Aniya, “Super-enjoy ang horror, because ang galing na ng effects, ng technology, lightings… ang galing na ngayon.”

Maganda ang takbo ng career ni Ms. Andrea dahil kaliwa’t kanan ang projects niya lately.

Lahad niya, “Bukod sa ‘Biyernes Santo,’ I am part of ‘Kaka’ starring Sunshine Guimary. Iyon namang ‘Biyernes Santo,’ bukod kay Ella ay kasama namin doon sina Mark Anthony Fernandez and Gardo Versosa.”

Nakangiting wika pa niya, “Nakalimutan ko pala, mayroon din akong indie movie na ang title ay ‘Pugon’. This is directed by Gabby Ramos. It’s to be submitted yata sa ibang bansa.”

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)