Breaking News, Showbiz

Andrea del Rosario ispesyal ang ikalawang horror movie

IPINAHAYAG ni Andrea del Rosario na proud siya sa kanilang pelikulang ‘Biyernes Santo.’

Tampok din dito sina Ella Cruz, Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Via Ortega, at mula sa pamamahala ni Direk Pedring A. Lopez.

Sinabi ni Gardo na isa itong horror movie na puwedeng isabay sa Hollywood, kaya inusisa namin ang dating Viva Hot Babe kung ano ang reaction niya rito.

Tugon ni Ms. Andrea, “Yes, sinabi iyon ni Gardo which also direk Pedring pointed out why. He said that not like other borror movies, walang masyadong ‘gulat’ ito. Mas nag-focus daw yung movie more sa color ng scenes and lighting…

“This movie is quite special for me, because I think this is only my second horror movie.”

Saad ni Ms. Andrea, “Super! It’s an amazing project to be part of. Super light and easy cast, director, crew! Smooth sailing! Super-duper proud cast member!”

Napanood na ba niya ang movie? Paano niya ito ide-describe?

“I haven’t seen the whole movie yet, but the scenes we’ve done, super intense and ang galing ng mga shots. Sa mga shots pa lang, nakakatakot na!”

Wika pa niya, “Ang role ko po rito ay mom ako ni Via, asawa ko po si Gardo and tina-try ko i-protect si Via dahil malalapitin siya ng bad spirits. Parang part kami ng isang kulto and yung anak ko kinukuha ng isang entity.

“Sa ‘Biyernes Santo,’ It helped na may daughter din ako and it was easy to put myself in the character’s shoes. I was able to relate to her situation.”

Siya ba ay matatakutin or mahilig manood ng mga horror films?

Esplika ni Ms. Andrea, “Depende eh, if I’ll watch in a creepy place, yes. Minsan, may movies na-I become critical because artista kasi, hahaha! Iniisip ko yung attack ng artista sa horror movie na pinapanood ko! Hahaha!”

Anong klaseng katrabaho sina Ella at Gardo?

“I’ve worked with both na before, like what I said, super light and easy. Made it easier for me to do my job well,” paliwanag pa ng aktres.

Sa araw na patay ang Diyos, kanino ka magdadasal? Ngayong Semana Santa, ipalalabas ng Vivamax ang horror movie na ‘Biyernes Santo.’

Abangan ang kasagutan sa pelikulang ito ngayong Marso 26. Available ang Vivamax online sa web.vivamax.net, o i-download ang app sa Google Play Store. Watch all you can sa Vivamax, P149/month lang, at mabibili ang Vivamax vouchers sa Shopee at Lazada.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)