Breaking News, Showbiz

‘Anak Ng Macho Dancer’ malakas ang benta ng ticket sa ibang bansa

HAPPY  ang Godfather Productions producer na si Joed Serrano ng controversial na pelikula ng taon, ang ‘Anak Ng Macho Dancer’ na pinagbibidahan nina Sean Sean Ds Guzman, Ricky Gumera, Charles Nathan, Miko Pasamonte at Mhack Morales dahil na rin sa lakas ng benta ng ticket ng movie na nakatakdang mag-premiere sa January 30 sa KTX.ph. 9pm.

Dagdag pa ni Joed na karamihan daw ng bumibili ng ticket ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ ay mula pa sa ibang bansa na marahil ay excited nang mapanood ang nasabing pelikula.

Ayon nga kay Joed,  “Alam n’yo, walang halong echos malakas ang benta ng ticket ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ pero mas marami ang complaint na hindi sa price kungdi sa ‘yung step by step sa pagrehistro sa KTX.

“ Imagine mo,  ako ‘yung producer hindi pa ako nakakabili (tickets). Nagta-try ako, ibinabalik ako sa step 1, kaya nainis na ako binato ko yung cellphone, pero habang papalapit magta-try pa rin ako.

“Pero totoo na mas marami talaga na mula ibang bansa na bumibili  maybe because the 690 price is maliit lang pag kinonvert mo into dollars it’s like $40.

“ So sa mga Pilipino, well marami namang mayaman din talaga.  Wala namang nag-complain, mayroon lang isa kasi isang week na bigas na raw nila ‘yun (P690). Pero kung iisipin natin, ang ganda ng pelikula at hindi ninyo iisipin ‘yung 690.”

Hindi naman daw iniisip ni Joed na mapipirata ang kanyang pelikula lalo na’t sa online ito ipapalabas dahil may fingerprinting daw sa KTX kaya malalaman kaagad kung sino ang mga mamimirata. If ever nga daw mangyari na  ipirata  ang kanyang pelikula, baka daw this time ay may masasampolan na siya.

Ang ‘Anak Ng Macho Dancer’ ay mapapanod na sa January 30 sa KTX.ph mula sa mahusay na direksyon ni Joel Lamangan mula sa GodFather Productions. Makakasama din sa pelikula sina Jacklyn Jose, Rosanna Roces, Emilio Garcia, Elora Espano, John David Schon, Jay Manalo at Allan Paule.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAIYNEWS.NET)