Breaking News, Showbiz

‘Anak Ng Macho Dancer’ lead actors handa nang magpa-booking sa Jan. 30

EXCITED na ang lead actors ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ na sina Sean De Guzman, Charles Nathan, Mhack Morales, Miko Pasamonte, at Ricky Gumera dahil mapapanood na online via ktx. ph ang uncut digital premiere ng kanilang pelikula sa January 30, 9pm-11pm.

Biruan nga nila ay handa na raw silang magpa-booking sa January 30. Ibig lang nilang sabihin ay gusto nilang imbitahan ang mga tao na mag-book na ng kanilang e-tickets para mapanood ang ‘Anak Ng Macho Dancer’ directed by Joel Lamangan at produced by Godfather Productions ni Joed Serrano kasama ang Blackwater.

Ayon nga sa post ng Godfather Productions sa Twitter, “Digital Premier ng ANAK NG MACHO DANCER. A Joel Lamangan Film. NGAYONG JANUARY 30 9-11PM… TUTUPARIN NILA ANG MGA PANTASYA MO, Kaya ano pa ang hinihintay mo? Booking na itu! Tickets are at 690 Php. Book your tickets now via ktx. ph! #AnakNgMachoDancer”

Sinisigurado naman nina Sean, Charles, Mhack, Miko, at Ricky na maliligayahan ang mga manonood ng kanilang pelikula lalo na nga’t marami silang maiinit at pasabog na mga eksena. Ngunit pahabol nila, “Hindi lang mabubusog ang inyong mga mata, pero may mapupulot din kayo na aral.”

May aliw na tweet din si Miko, “Heto na!!!! Unahan na kau sa pag book ng ticket!!!!

Mapapamura ang kaluluwa mo…Sure ako mag kukulong ka sa kwarto bawat sigundo ng takbo ng pilikula na to…”

Kasama rin sa cast ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ sina Jaclyn Jose, Allan Paule, Jay Manalo, Rossana Roces, Emilio Garcia, Jim Pebanco, Elora Españo, at Eisel Serrano.

Kaya mag-book na ng e-tickets sa ktx. ph para masaksihan ang mainit at masarap na handog at pasabog ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ sa January 30.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)