ITINANGHAL na Most Valuable Player (MVP) ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament si Allen Liwag ng College of Saint Benilde (CSB) Blazers.
Tumapos na may pinakamataas na PAV na 52.38 si Liwag sa 18 laro sa eliminasyon para dalhin sa finals ang Blazers kontra Mapua Cardinals.
“Noong lumipat ako sa Benilde, sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para sa school. Sobrang grateful lang ako sa award na ito,” sey ni Liwag bago ang Finals Game 2 nitong Sabado.
Sumailalim muna si Liwag sa one-year residency bago sumalang sa CSB mula sa dalawang taong paglalaro sa Emilio Aguinaldo College (EAC).
“Nagpapasalamat ako kay Lord sa blessing na ito at saka sa teammates ko dahil hindi ko naman ito makukuha nang hindi dahil sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit ko nakuha and award na ito, saka siyempre, sa mga coaches ko, sobra ang tiwala sa akin. Ibinabalik ko lang sa kanila iyung tiwala nila sa akin,” aniya.
Mayroong average na 14.0 points at league-best 11.0 rebounds kada laro si Liwag para makopo ang MVP plum, tumanggap siya ng P50,000 cash gift mula sa EO Executive Optical.
Nahirang din si Allen bilang Defensive Player of the Year, miyembro ng Mythical Team at All-Defensive Team.
Kasama niya sa Mythical Team sina teammate Tony Ynot, John ‘Ato’ Barba (Lyceum), DJ Felebrico (San Sebastian) at Season 99 MVP Clint Escamis (Mapua).
Previous ArticleDemand sa lechon at ham tumaas
Next Article Mojdeh magpapasiklab sa juniors