Breaking News, Showbiz

‘All-Out Sundays’ may dalang good-vibes at all-out performances

NGAYONG Linggo (Enero 24), magpahinga at ipagdiwang ang weekend kasama ang bigating Kapuso stars hatid ang exciting at all-out performances sa musical-comedy-variety program ng GMA Network na ‘All-Out Sundays.’

Magsisimula ang selebrasyon sa isang OPM jamming na pangungunahan nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Christian Bautista, Mark Bautista, Paolo Contis, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, Migo Adecer, Shayne Sava, Jong Madaliday, Jeremiah Tiangco, Jessica, Jennie Gabriel, Rodjun Cruz, DJ Loonyo, at Mannex Manhattan.

Makakasama rin nila si JM, ang umawit ng kantang Magandang Dilag, at si Lil Vinceyy, ang artist sa likod ng hit song na Chinita Girl.

Kakantahin naman ng Four The Win ladies na sina Thea Astley, Golden CañedoJessica at Julie Anne ang mga awitin ni Celine Dion.

Samantala, may concert-level performance si Rayver ng mga hit na Holy at Love Not War.

Makikisaya ang Juans ngayong Linggo upang ibida ang kanilang pinakabagong heartbreak single na Pangalawang Bitaw. Sasali rin sa kanila si Ken Chan upang haranahin ang audience ng kantang Hindi Tayo Puwede.

Babalik sa entablado sina JM at Lil Vinceyy upang labanan sina Nikki Co at Jay Arcilla sa larong Ano Raw?! Hosted by Paolo at Ken, ang parehong koponan ay susubukang hulaan ang pamagat ng mga OPM hit na may lyrics na ikikilos ni Betong Sumaya.

Magpapakitang gilas naman sa sayawan sina Kyline, Shayne, Kim de Leon, Lexi Gonzales at Abdul Raman sa tugtog ng Say My Name.

Isang musical treat ang handog nina Christian at Mark kasama ang Clash Champions na sina Jeremiah at Jessica, at ang Clash Graduates na sina Jong, Jennie, Garrett Bolden, Renz Robosa, Fritzie Magpoca at Semee Buenaobra para sa isang pagsabog na OPM performance sa All-Out Stage.

Humanda nang mag-enjoy ngayong Linggo (Enero 24) at tumutok sa ‘All-Out Sundays’, 12: 00NN, sa GMA-7.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)