Breaking News, Showbiz

Alfred, Darling of the Press nominee sa Star Awards; Rhea Tan pararangalan sa Eddys

KUNG suporta at suporta lamang ang pag-uusapan ay masasabi naming 100% ang suporta ng mahusay na actor  & producer at masipag na Kongresista ng Distrito 5 ng Quezon City na si Alfred Vargas sa showbiz industry.

Sa tuwing  may nangangailangan ng tulong sa mga taga-industiya ay bukas-palad at tunutulong ito sa abot ng kanyang makakayanan. Katulad ng 100% plus na pagtulong nito sa Distrito 5 na kanyang kinasasakupan, kung saan napakarami nitong proyektong ginagawa na talaga namang malaking tulong  at kapaki-pakinabang.

At dahil nga sa labis nitong pagmamahal sa showbiz industry ay isa ito sa nominado bilang Darling of the Press sa 36th PMPC Star Awards For Movies ngayong taon, kung saan ilan sa kapwa nito nominado sina Gretchen Barretto, Liza Diño-Seguera,  Piolo Pascual, Ahwel Paz,  Ramon “Bong” Revilla, Jr,   Sylvia Sanchez at   Joed Serrano.

Para kay Cong. Alfred, habang may taong nangangailangan mula sa showbiz o maging sa kanyang Distritong kinasasakupan  o kahit na sa labas ng kanyang Distrito ay handa itong tumulong sa abot ng kanyang makakaya.

At bago nga ang nominasyon nito sa 36th  PMPC Star Awards For Movies Darling of the Press ay binigyan din ito ng parangal ng FDCP para sa kanyang pelikulang ‘Kaputol.’ Post nga nito sa kanyang Fb account .

“Thank you FDCP, for this recognition.

“ KAPUTOL, is a passion project, an expression of our love for cinema and our motherland. This recognition is a validation of our work and the creative path we are taking. If feels good to be recognized in an international film festival. It feels even better to be honored in one’s native land. Film is collaborative. As this belongs to our film’s acting ensemble, this also belongs to every one involved in the making of Kaputol. And this honor is shared with all the men and women who continue the fight in keeping our industry alive and flourishing in spite of all the odds.

“Thank you, Cherie Gil, Angel Aquino, Ronwaldo Martin and the entire cast of Kaputol. Thank you to our brillant writer, Ricky Lee, and our director, McArthur Alejandre.“

                        *****

Rhea Tan, Bong, Angel, atbp. pararangalan sa 4th Eddys

VERY thankful ang CEO & President ng Beautederm si Rhea Anicoche Tan na tatanggap sa kauna-unahang Isah V. Red Award sa 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na pinamamahalaan ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Post nga ni Ms Rei sa kanyang personal Fb account bilang pasasalamat sa SPEEd, “I thank my dearest friends from SPEEd for honoring me with the highest recognition of the annual EDDYS — the Isah V. Red Award!

“Tito Isah Red was so full of life and he embodied fortitude, excellence, and 100% dedication to his work as one of the country’s most respected entertainment editors. He was also fiercely loving and had a very kind heart.

“As he created a colorful and indelible difference to the world, I hope and pray that I too could emulate the amazing qualities he championed in making my own mark with the same gusto and flair for life that he exuded when he was still alive.

“This award humbles and inspires me to carry on in my life’s journey.

“Thank you very much SPEEd from the bottom of my heart.”

Ilan sa kasabay ni Ms. Rei na tatanggap ng Isah V. Red Award sina Senator Bong Revilla Jr., Ramon Ang, Claire de Leon-Papa ng Unilab, Kim Chiu at Angel Locain.

Bibigyang parangal  din ang sampung EDDYS Icon awardees ngayong 2021 na sina Gloria Sevilla, Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil, Boots Anson-Rodrigo, Gina Pareño, Dante Rivero, Tommy Abuel, Caridad Sanchez, Joel Lamangan at Ricky Lee. Habang tatanggap naman ng Joe Quirino Award ang TV-radio host-columnist na si Lolit Solis; Manny Pichel Award – entertainment columnist Mario Bautista; Rising Producers’ Circle – Blacksheep Productions; at Producer of the Year – The IdeaFirst Company.

At bibigyan ng posthumous recognition naman  sina Peque Gallaga, Tony Mabesa, Menggie Cobarrubias, Ramon Revilla Sr. at Tony Ferrer.

Gaganapin ang 4th Eddys sa April 04 via Virtual Awards Night kung saan ilan sa aabangan ang mga magwawagi bilang Best Picture, Best Director, Best Actress at Best Actor ngayong taon.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADOAILYNEWS.NET)