Breaking News, Showbiz

Alden, Piolo at Kuya Boy gustong ma-interview ni Lito de Guzman sa talk show

MULA sa pagiging talent manager at businessman ay pinasok na rin ng matalik naming kaibigan  na si Lito De Guzman ang mundo ng hosting, kung saan magkakaroon ito ng  Lifestyle talk  show entitled ‘Sikat Noon, Sikat Ngayon’ sa Euro TV  na magsisimulang mapanood sa February 13 (Sabado) ng 4 to 5pm.

Makakasama ni Lito sa nasabing TV Show ang isa pa naming kaibigan na talent manager at manunulat na si Throy Catan at ang Social Media Sweetheart na si China Roces.

Ang controversial actress na si Ynez Veneracion na pinasok na rin ang pagba-Vlog kasama ang kanyang kagrupo na sina Kapuso actress Kim Rodriguez at komedyana na si Chitchi Rita at ang isang controversial host na si Arnel Ignacio ang kanilang magiging kauna-unahang guest.

Ayon nga kay Lito kung bakit pinasok na rin niya ang pagho-host, “Para maiba naman, kasi feeling ko naman na kaya ko, kaya sabi ko bakit di ko subukan.

“Bigla namang may offer ang owner ng Euro TV kaya sabi sa ko sa sarili bakit di ko subukan and magandang social media platform na rin ito kaya nag-go na ako.

“ Bukod sa okey din naman mga makakasama ko like si Throy (Catan) manager din and at the same time entertainment writer at gusto ding subukang mag-host, and yung alaga ko na si  China (Roces) na malakas sa social media. Tsaka katulad ng sabi ko mukhang kaya ko naman at alam kong madami akong ma-explore as a host.”

At mas gusto nga raw nito na pangmasa ang image niya bilang host, more on Tagalog less English, “Well gusto ko masa lang ayoko ng puro English para mas madaling ma-gets ng mga manonood kung ano yung topic at pinag-uusapan namin.”

Bilang baguhang host ay may mga dream celebrities daw itong gusto niyang ma-interview. “Dream ko na ma-interview sina Alden Richards, Piolo Pascual  at  Kuya Boy Abunda, pag nangyari yun sobrang saya ko and dream come true talaga para sa akin.”

At kahit nga pinasok na nito ang pagho-host ay hinding-hindi naman daw nito iiwan ang pagnenegosyo at pagma-manage ng artista. “Tuloy -tuloy pa rin ang pagma-manage ko,  kasi ako rin naman ang manager ni China Roces at ni Greg Hawkins and yung pagnenegosyo nandiyan pa rin naman yan.” Pagtatapos ni Lito.

            *****

Bidaman Johannes Rissler sunud-sunod ang proyekto

Masaya daw ang pasok ng 2021 sa ‘It’s Showtime’ Bidaman na si Johannes Rissler dahil sunud-sunod ang magagandang proyektong dumarating sa kanya.

Kuwento nga nito na kakapirma pa lang niya ng two years contract sa Regal Films kung saan gagawa siya ng twelve movies sa  film outfit ni Mother Lily Monteverde.

Sa ngayon nga raw ay hindi pa napag-uusapan kung ano ang kauna-unahan niyang pelikulang gagawin sa Regal dahil kakapirma pa lang niya, pero kasama naman siya sa Regal Films blockbuster BL Series na ‘B & J Forever’ ang season 2 ng matagumpay na ‘Ben X Jim’ season 1 kung saan nakasama din si Johannes.

Bukod sa ‘B & J Forever’ kung saan makakasama nito sina Teejay Marquez, Jerome Ponce, Ron Angeles, Miko Gallardo, Kat Galang , Jomari Angeles atbp. sa direksiyon ni Easy Ferrer ay kasama din ito sa pelikulang ‘Soul Sisters’ kung saan makakasama naman nito sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, Thou Reyes , Jhai Ho atbp. sa direksiyon din ni Easy Ferrer. Bukod pa sa may isa pa raw itong pelikulang gagawin ngayong taon.

Sobra-sobra nga raw ang pasasalamat nito sa kanyang management ang Mannix Carancho Artist and Talent Management headed by the CEO & President nito na si Sir Mannix Carancho na siya ding CEO & President ng Prestige International at ni Ms Amanda Salas dahil sa pagbibigay sa kanya ng magagandang proyekto.

Sana nga raw ay magtuluy-tuloy ang pagdating sa kanya ng magagandang proyekto ngayong taon, at sana nga daw ay makasama siya sa isang teleserye at makapag-record siya ng kanta ngayong taon na siya mismo ang nag-compose dahil bata pa raw siya ay love na love na niya ang pagkanta.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)