Breaking News, Showbiz

Alden, Kuh, Jed, Christian, Gerald, atbp. sa Benefit Concert ng PMPC

ISANG makabuluhang konsyerto ang hatid ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa pangunguna ng Pangulo ng PMPC na si Roldan Frias Castro at Special Project Committee na kinabibilangan nina Fernan Ms F De Guzman, Rodel Ocampo, Rommel Placente, Mildred Bacud, Timmy Basil, Boy Romero at ng inyong lingkod, kasama ang mga officers at members nito na may titulong  “AWIT SA PANDEMYA ! A PMPC Benefit Virtual Concert”  na gaganapin  sa April 18, Sunday 8 PM (PHST & SGT) 5 AM (PDT) thru ticket2me.net

Pangungunahan ito nina Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela, Gerald Santos, Ima Castro,  Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma.

Kasama  din sina  JV Decena , Gari Escobar , Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia , Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa , Lil Vinceyy at Zcentido.

Layunin ng makabuluhang proyektong  ito ng PMPC  ang mabigyan ng tulong medikal ang mga miyembro  nito lalo na ang mga senior cetizen. Maaaring bumili ng ticket sa  ticket2me.net.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)