Breaking News, Showbiz

Alchris Galura mapapanood sa 2 episodes ng ‘Tadhana’

ALCHRIS Galura seems to be active these days, he has finished taping for 2 episodes of ‘Tadhana’ which will be aired on GMA 7 on Saturday, March 20 (Episode 1) and March 27 (Episode 2) at bukod doon, he is set to shoot for the Book 2 of ‘Primma Donnas.’

            Nang makausap namin siya thru phone, ikinuwento niya sa amin ang karanasan niya sa pagganap bilang all-out bading sa ‘Tadhana Presents Bekiry’ where he plays gay son of Jaclyn Jose. “Tatlo kaming anak ni Jaclyn, dalawa kaming bakla at isang tunay na lalaki.” aniya.

            This is not the first time he is playing gay roles, but he says it is always a challenge to do kind of roles na ganito, iyong mga karakter na may natutunan siya. Like here, hindi lang bilang bading na malandi ang itsura, kungdi through his role, na-realize ni Alchris kung paanong magmahal ang mga tulad ng karakter niya.

            “All-out bading ako rito, nagme-make-up, panganay na anak ni Teresa (Jaclyn Jose) na isang singe parent.” aniya.

            Playing roles like gay characters challenges Alchris. Aniya’y wish niyang makaganap ng mga roles like —  person with split personality, serial killer, corrupt politician. Aniya, “Gusto kong alamin kung ano ang nagpu-push sa kanila para i-hurt ang ibang tao, at kung ano ang mga views nila sa buhay!”

            Besides that, he will also love to do fantasy roles.

            When asked kung bakit tila lulubog-lilitaw siya sa showbiz, aniya’y naging busy din siya sa pag-aaral. He is studying Filmmaking course, then he lives in Baler, Quezon, and if there’s an offer he is ready naman daw.

            In the writeup we made just recently, sinabi namin doon na ang isang katulad ni Alchris Galura, who is a good actor, an award-winning at that, needs to be visible. Sabi nami’y ang mga katulad niya ang kailangang mabigyan ng project, their talent in acting must shine. Di ba kasi nga, iyong mga mahuhusay na artista’y nasa tabi-tabi lang, sila iyong kadalasang ‘di napapansin.

            But at least, magandang sign itong ‘Tadhana Presents Bekiry’ dahil 2 episodes ito, he will be seen on a two-week exposure, then comes ‘Prima Donnas’ where he will also play an important role.

            Bagama’t ayaw pa niyang angkinin ang partisipasyon sa ‘Prima Donnas’ hangga’t hindi pa siya nagsisimulang mag-shoot, we believe he is pursuing the role. At aabangan namin iyon.

Meanwhile, bukod kay Jaclyn Jose, kasama niya sa ‘Tadhana Presents Bekiry’  sina Prince Stefan bilang gay brother, at si Nikki Co bilang straight brother. With them also are  Kate Valdez and Jeffrey Santos at mapapanood ito sa GMA 7, 3:30pm, Saturday, March 20 and March 27.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)