Breaking News, Showbiz

Albie Casino at JM de Guzman naging friends dahil sa lock-in taping

IPINAGMAMALAKI ng 27-year old hunk actor, Albie Casino ang malaking partisipasyon nito sa seryeng ‘Init Sa Magdamag’na bagama’t hindi siya ang aangkin kay Yam sa serye, isang importanteng karakter ang gagampanan nito bilang si Raymond, ang kaibigan ni Yam.

Sa nasabing project, nagbigay ng kanyang saloobin ang aktor sa the usual locked-in ang mga artista sa set ng serye.                                                                                                                                                  Kuwento ni Albie, “Nakailang project na ako ngayong quarantine eh so itong ‘Init Sa Magdamag,’ ito yung pinakamalaking production na nagawa ko because the others were films so mas maliit yung production and mas maliit yung cast.

“Natuwa ako sa ‘Init Sa Magdamag’ kasi I don’t think we had a single positive case sa COVID and we were doing lock-in for a six-month period. Three weeks at a time nagla-lock in kami so kita mo talaga yung effort na linalagay nila sa safety hindi lang sa artista pero sa bawat tao sa set. Ang dami namin dun and walang nagka-COVID and you can really tell with how they’re doing the procedures eh. Talagang kakatok yung nurse sa room mo pag wala kang taping or sa off day, they do the protocols, they check the temperature and they make you sign the papers and all of that,” pahayag ng aktor.

Nagkakaroon ng bonding ang mga stars ng ISM, at masaya nitong ikinuwento kung paano sila naging magkakapit-condo ng actor na si JM de Guzman.

“Sobrang naka-build ako ng friendships dun, as in to the point na neighbor ko na si JM. Itong condo ko condo niya dati. Sabi ko sa kanya lumipat siya dun sa taas para ako na lang dito. Now he’s my neighbor literally. I go to his house everyday. Dun ako nagbubuhat eh. Si Kate (Alejandrino) kasi Kate’s been a friend of mine super tagal na. As in 10 years old pa lang ata ako kilala ko na si Kate dahil sa church,” kuwento ni Albie.

Dahil nabubuhay na itong mag-isa, ganado rin daw  siyang mag-taping kahit lock-in ang umiiral na patakaran.

“Sa totoo lang mahirap yung lock-in taping talaga pero it was a fun experience. Recently lang, mag-isa ako dito sa condo iniisip ko nakaka-miss din pala siya eh. Kasi siyempre habang nandun ka mahirap kasi walang signal kung saan kami nagte-taping tapos ikaw lang nandun, wala ka talagang magawa eh. Gusto mo talaga umuwi pero siyempre ngayon na nandito na ako na-mi-miss ko na siya.”

Matatandaang isa si Albie sa mga celebrities natin na matapang kung magbigay ng kanyang opinyon sa mga  nangyayari sa ating gobyerno, gaya ng mga nangyayaring kapalpakan sa  Covid-19 vaccines?

“I pay taxes. Pag dumarating yung tseke ko nakikita ko yung mga kaltas. So I feel like I have a right to voice my opinion. Yun lang. Because that’s where my taxes go. Nakikita ko how much taxes ko tapos nakikita ko yung response sa COVID so sinong hindi magagalit di ba? And I’m not really mad at the government. I’m just mad at how they’re handling things,” pahayag ni Albie.

                        *****

            Tinututukan ang ‘Huwag Kang Mangamba’                                             

ILAN sa eksenang tinututukan ng madlang pipol sa seryeng ‘Huwag Kang Mangamba’ ay ang pagbabalik ng pananampalataya ni Joy (Francine Diaz) pagkatapos magpakita ni Bro sa kanya sa ABS-CBN teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Kasabay ng pagbabalik-loob ni Joy ay ang pagtanggap din niya ng misyon mula kay Bro na tulungan si Mira na ibalik ang paniniwala sa Diyos ng mga taga-Hermoso.

“Pagtibayin niyo ang samahan ninyo. Kakailanganin niyo ang isa’t isa. Kayo ang magiging tulay ng pagbabalik ng pananampalataya ng mga tao. Hindi magiging madali ang mga pagdadaanan niyo pero malalagpasan ninyo ang lahat kung magkasama at kung may matibay na pananampalataya,” bilin ni Bro kina Mira at Joy.

Habang sisimulan na ng dalawa ang kampanya nila para maipatayo ang simbahan sa Hermoso, abala naman ang faith healer na si Deborah (Eula Valdes) sa pagpapalago ng kanyang negosyo.

Lihim ding pinapahinto ni Deborah ang imbestigasyon sa isang kalansay na natagpuan sa Hermoso dahil ito ang hindi pa nakikilalang bangkay ng ina ni Joy na pinatay niya at ng kanyang kapatid ilang taon na ang nakakaraan.

Paano sisimulan nina Mira at Joy ang kanilang misyon nang magkasama? Mapahinto kaya ni Deborah ang imbestigasyon tungkol sa kalansay?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)