Breaking News, Lifestyle, Nations

ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL, UMUSAD NA SA KAMARA

ISINALANG na sa unang pagbasa ng Kamara ang panukala upang i-renew ang prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.

Sa pagbabalik ng sesyon ng Mababang Kapulungan, binasa ang titulo ng House Resolution No. 8298 na inihain ni Deputy Speaker at Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto na naglalayong bigyan ng prangkisa ang Lopez led-ABS-CBN.

Napag-alaman na inihain ni Santos-Recto ang panukala noong Enero 5, ng kasalukuyang taon.

Ini-refer ito sa House Committee on Legislative Franchise Bill. (Eloise L.)