Close Menu
    Facebook X (Twitter) Instagram
    Trending
    • Kano na-fakenews
    • WPS nasakop na
    • Utang na,utang na
    • Kevin Quiambao lilipad pa Korea pagtapos ng UAAP Finals
    • Mike Tyson inalok ng $700M sa rematch kay Jake Paul
    • Mojdeh magpapasiklab sa juniors
    • Allen Liwag hinirang na Most Valuable Player
    • Demand sa lechon at ham tumaas
    Facebook X (Twitter) Instagram
    BISTADO DAILY NEWS
    • HOME
    BISTADO DAILY NEWS
    Home»OPINION»BUNYAG»Naiiwan sa pansitan
    BUNYAG

    Naiiwan sa pansitan

    dambrocio1958By dambrocio1958December 7, 2024Updated:December 7, 2024No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    ARTIFICIAL intelligence na ang pinag-uusapan sa buong daigdig ngayon.

    Sa Pilipinas, intel fund pa rin.

    KANYA-KANYANG press release ang mga kandidato.

    Yan na mismo ang fake news.

    Ha! Ha! Ha!

    WALANG nakakasabay sa modernisasyon at teknolohiya.

    Nalipasan kasi ng panahon ang iskema ng edukasyon.

    HANGGANG ngayon sina Socrates at Plato pa rin ang modelo ng mga matatalino.

    Huhh, hindi sila matalino.

    Hindi ba nagkaapo sina Socrates at Plato?

    BAGUHIIN na dapat ang istruktura o iskema sa pagtuturo.

    Nalipasan nay an ng panahon.

    Ibalik ang  personal tutorial sa panahon ng mga kaharian.

    Sa totoo lang, agrabiyado ang mga anak ng mga nagdarahop ng mga anak ng mga mayayaman.

    May tutor kada subjects ang anak  ng mga “may salapi” samantalang nagtinda pa rin bitso at puto si Butsoy imbes na magrebyu ng leksiyon.

    Sa honor roll, daig din sila sa sipsipan sa principal na lagging may letseplan at patok ang tindahan sa online.

    BIGYAN dapat ng mas malaking postura ang alternative learning system at home-study program.

    Iyan ay dapat lagyan ng inobasyon—makakatipid ng klasrum, makakatipid ng gastusin ng mga estudyante.

    FIFTY percent dapat ng curriculum ay nakatuon sa international language learning, artificial intelligence, animation at coding.

    Inaamag, panis at lipas sa  panahon—ang kinopyang kurikulum mula sa ibang bansa.

    Hindi na iyan ang uso sa susunod na 10 taon.

    MABILIS na nagbabago ang panahon tulad sa modelo ng kotse at cellphone.

    Pero, ang curriculum, module at syllabus—yun-at-yun pa rin.

    HANGGANG ngayon, lumang aklat pa rin ang ginagamit at dinidiktahan ng mga titser ang estudyante.

    Dapat nating maunawaan—ang kalayaan sa pagsasaliksik at praktikalidad—ang dapat pundasyon sa edukasyon.

    Ganyan lang kasimple dapat.

    ALISIN ang “honor roll” system.

    Yan ang sumisira sa edukasyon!!!

    ANG matatalino ay ginagawang iskolar gayung matalino na sila at  may kakayahang tumindig sa sariling paa.

    Ere mga bobo o kapos sa karunungan dulot ng malnutrisyon at broken family—ay walang kumakalinga.

    BAKIT walang iskolarship para sa mga nahihirapang umunawa ng mga asignatura?

    Bakit walang iskolarship para sa lagging “may back subject?

    Wala bang partylist para sa mga gunggong sanhi ng matinding pagdarahop?

    featured TRENDING
    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Previous ArticleOlats sa 3 laro! Terrafirma Dyip palit import
    Next Article Hontiveros: POGO actors tumulong sa pagtakas ni Roque
    dambrocio1958
    • Website

    Related Posts

    Kano na-fakenews

    December 8, 2024

    WPS nasakop na

    December 8, 2024

    Utang na,utang na

    December 8, 2024
    Leave A Reply Cancel Reply

    • Facebook
    • Twitter
    • Instagram
    • Pinterest
    About
    About

    Your source for the lifestyle news. This demo is crafted specifically to exhibit the use of the theme as a lifestyle site. Visit our main page for more demos.

    We're social, connect with us:

    Facebook X (Twitter) Pinterest LinkedIn VKontakte
    From Flickr
    Ascend
    terns
    casual
    riders on the storm
    chairman
    mood
    monument
    liquid cancer
    blue
    basement
    ditch
    stars
    Copyright © 2017. Designed by ThemeSphere.
    • Home
    • Buy Now

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.