Close Menu
    Facebook X (Twitter) Instagram
    Trending
    • Kano na-fakenews
    • WPS nasakop na
    • Utang na,utang na
    • Kevin Quiambao lilipad pa Korea pagtapos ng UAAP Finals
    • Mike Tyson inalok ng $700M sa rematch kay Jake Paul
    • Mojdeh magpapasiklab sa juniors
    • Allen Liwag hinirang na Most Valuable Player
    • Demand sa lechon at ham tumaas
    Facebook X (Twitter) Instagram
    BISTADO DAILY NEWS
    • HOME
    BISTADO DAILY NEWS
    Home»NEWS»WORLD NEWS»187 illegal POGO workers, ipina-deport ng BI
    WORLD NEWS

    187 illegal POGO workers, ipina-deport ng BI

    dambrocio1958By dambrocio1958December 8, 2024Updated:December 8, 2024No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Ipina-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang aabot sa 187 Chinese nationals na sangkot sa ilegal na operasyon ng online gaming (POGO) dito sa bansa.
    Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga ipina-deport na dayuhan ay lulan ng Philippine Airlines flight papuntang Shanghai, China, noong Disyembre 5, na umalis sa NAIA Terminal 1 bandang tanghali nang araw ding iyon.
    Sinabi ni Viado na ang hakbang na ito ay malinaw na mensahe na hindi kinukunsinti ng pamahalaan ang anumang ilegal na gawain ng mga dayuhan sa bansa.
    Ang mga nasabing indibidwal ay kabilang sa mga naaresto sa operasyon ng BI at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Pasay City at Cebu. Kung saan na patunayan ng mga awtoridad ang kanilang partisipasyon sa ilegal na POGO operations.
    Tatlo sa orihinal na 190 target ng deportation ang hindi nakasama sa nasabing paglipad dahil may isa sa mga ito ay mayroong hold departure order, habang ang dalawa ay may nakabinbing kaso sa bansa.
    Dagdag pa ng BI, inilagay na sa immigration blacklist ang mga ipina-deport na Chinese, kaya’t hindi na sila maaaring makabalik pa sa Pilipinas.
    Binigyang-diin din ni Viado na patuloy ang ahensya sa mahigpit na pagpapatupad ng mga batas sa imigrasyon para protektahan ang seguridad ng bansa

    featured TRENDING
    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Previous ArticleEPD:1,000 pulis para sa “Ligtas Paskuhan 2024″
    Next Article Demand sa lechon at ham tumaas
    dambrocio1958
    • Website

    Related Posts

    Kano na-fakenews

    December 8, 2024

    Utang na,utang na

    December 8, 2024

    Kevin Quiambao lilipad pa Korea pagtapos ng UAAP Finals

    December 8, 2024
    Leave A Reply Cancel Reply

    • Facebook
    • Twitter
    • Instagram
    • Pinterest
    About
    About

    Your source for the lifestyle news. This demo is crafted specifically to exhibit the use of the theme as a lifestyle site. Visit our main page for more demos.

    We're social, connect with us:

    Facebook X (Twitter) Pinterest LinkedIn VKontakte
    From Flickr
    Ascend
    terns
    casual
    riders on the storm
    chairman
    mood
    monument
    liquid cancer
    blue
    basement
    ditch
    stars
    Copyright © 2017. Designed by ThemeSphere.
    • Home
    • Buy Now

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.