Breaking News, Showbiz

9 years na relasyon nina Coco at Julia inilalantad na; ‘It’s Showtime’ bawal munang mag-live

HINDI nakaligtas sa mapanuring  mata ng ilang netizens ang larawang kuha nina Coco Martin at Julia Montes sa NAIA. Diumano’y ang nasabing Boracay adventure ay regalo ni Coco kay Julia nitong kanyang nakaraang 26th birthday celebration.

Sa ini-upload na Facebook post sa fan page na Coco Julia World, namataan ng ilang fans sa Ninoy Aquino International Airport ang dalawang pasahero na tinitiyak nila na ang mga nasabing personalidad ay sina Coco at Julia. Naganap ang sighting sa airport at ang sinasabing biyaheng Bora  ng dalawa nitong Linggo, March 21, dahil kapansin-pansin sa photos na nakapila pa ang dalawa sa ticket counter papuntang Aklan, sakop ang Boracay Island.

Sa caption ng fan page na Coco Julia World, “LOOK: Julia Montes and Coco Martin spotted going to BORACAY. Finally, visible na sila sa public! Sana tuloy-tuloy na! Get a man like Coco Martin, loyal kay Julia for 9 years! READ THAT? 9 YEARS!!!! ganyan sila, tahimik, private, pero sobrang inalagaan ang relasyon! super rare nyan sa showbiz AAAAA” ayon sa nakalagay sa caption.

Bihira ang pagkakataong makita sa publiko sina Coco at Julia, na ilang taon ding pinag-uusapan na nagkaroon umano ng anak ang aktres courtesy ng  ‘Ang Probinsyano’ actor. Bagama’t hindi idinenay o  kinumpirma ng dalawa ang balita, hindi pa rin mamatay-matay ang ugnayan ng dalawang Kapamilya stars.

                        *****

            ‘It’s Showtime’ bawal munang mag-live

SA inilabas na datos ng DOH, dalawang araw (Marso 21, 22) nang magkasunod na 7,000 plus ang nagpositibo sa Covid-19 sa bansa at kalahati nito (4,000) ay mula sa Metro Manila. Kaya naman biglang naalarma ang gobyerno at biglang nagpatupad ng mas mahigpit na restrictions sa paglabas sa kalye.

Isa sa nasapol ay ang pagbabawal sa live airing ng ilang shows na dahil rin sa pag-surge ng COVID-19 nitong mga nakaraang araw. Bunga nito may karagdagang restrictions na ipinatutupad sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan na Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal mula Marso 22, Lunes hanggang Abril 4, Easter Sunday.

Kaya naman pinaalalahanang ipagbawal muna ang live airing ng ‘It’s Showtime’ para maproteksyunan ang mga taong involved sa show. Kaugnay nito, nitong Marso 21, Linggo, naglabas ang ABS-CBN ng official statement kaugnay sa pagpapalabas ng  ‘It’s Showtime.’

Ayon sa mensahe mula sa ABS-CBN CorpCom, “To ensure the safety of our hosts and production team because of the surging COVID-19 cases in the country, ABS-CBN is suspending temporarily the live staging of ‘It’s Showtime.’

“Thank you for your support and understanding.” maikli nilang paalala.

Ganito rin ang ulat sa TV Patrol Weekend ngayong Linggo, March 21, may pahabol ang news anchor na si  Zen Hernandez, aniya’y, “Ang pagbabawal ng live staging ng ‘It’s Showtime’ ay para maprotektahan ang mga host at at production team ng show.”

Sundot naman ng co-anchor na si Alvin Elchico, ” Andami nila, hindi lang mga hosts ang nasa show, sa production team na lang, madami.” ayon sa male news anchor.

                                                        -*****

            Angeli matapang na hinaharap ang Covid

MATAPANG na hinarap ni Angeli Pangilinan-Valenciano ang pinagdaraanan ngayon nang ibahagi niya ang malungkot na balita sa PEP troika, na siya’y positibo sa Covid-19, ganu’n din ang dalawa pa nitong staff sa kanilang bahay sa Antipolo.

Sa naging pahayag ni Angeli ,hindi nabanggit kung paano o saan nahawa ng  virus ang talent manager-misis ni Mr. Pure Energy.

Sa ngayo’y naka-isolate sila Angeli at dalawa nitong staff  para maiwasan ang hawaan sa kanilang mga kasamahan sa bahay lalo na si Gary V, na may comorbidities.

Sa mensahe ni Angeli sa Pep troika, “Guess why I posted this? Here I am isolated because I am Covid positive. I should be afraid right?

“But I am married to a man who has had Type1 diabetes for 42 years. Who has had multiple seizures due to hypoglycemia. Hepatitis. Orthroscopic surgery on his knees. Tuberculosis. Cardiac double Bypass / open heart surgery. Kidney cancer. Partial nephrectomy surgery. Whew.

“So having gone through all that with him, I know that this is just another trial that we will overcome together.

“And I had a scoliosis spine surgery in Hong Kong in 1986. They implanted two rods on my spine. Excruciating pain. So this is just another hurdle that I know I will leap over! Love you all. ‘I can do all things through Christ who strengthens me.’ Philippians 4:13.Please pray that Gary doesn’t get it.I don’t mind getting it for as long as he is spared from this disease.By his stripes i am healed .P.S.,please pray for the healing of yaya Myra and Vince too-our staff.”

Sad naman but prayers do wonders. Get well soon, ma’am Angeli.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)