Breaking News, Showbiz

69th Miss Universe pageant mapapanood nang live sa A2Z Channel

MAGANDANG balita sa mga Miss Universe fanatics dahil mapapanood na nang Live ang 69th Miss Universe Competition sa May 17, Lunes, alas otso ng umaga sa A2Z at magkakaroon din ng replay sa araw ding ‘yun ng Linggo at 10pm.

Ating mapapanood ang pagrampa ng ating pambato sa Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo sa live telecast ng Miss Universe sa Pilipinas dahil  na rin sa pagpapatuloy ng pagtutulungan sa pagitan ng ABS-CBN, ang opisyal na partner para sa pagpapalabas ng pageant sa bansa, at IMG, na siyang nagmamay-ari sa Miss Universe brand.

Suportahan natin ang pambato ng Pilipinas at saksihan kung masusungkit ba ni Rabiya ang ika-5 Miss Universe crown para sa Pilipinas na huling napanalunan nina Catriona Gray, noong 2018., Pia Wurtzbach, 2015, Margie Moran, 1973 at Gloria Diaz, 1969.

Gaganapin ang coronation sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, USA, at sa  mga naka-miss ng Live telecast sa umaga, mapapanood din sa Sunday’s Best sa Kapamilya Channel ang Miss U sa May 23 (Sunday) at 9:45pm, na may live streaming sa iWantTFC para sa mga manonood sa Pilipinas.

Mapapanood din ang 69th Miss Universe sa Metro Channel sa cable TV sa May 24 ng 12 nn at 10 pm, May 26 ng 5 pm, at May 29 ng 8:30 am.

Si Rabiya ay isa sa mga unang Miss U delegates na dumating sa USA  para sa pre-pageant activities ng Miss U.

Sa ulat ng TV Patrol at ABS-CBN News, nagbigay ng mensahe ang ating pambatong si Rabiya sa kanyang mga supporters, “Sa mga kababayan ko sa Pilipinas, nandito na ako ngayon sa Los Angeles. Pinapangako ko na gagawin ko lahat ng posibleng gawin para maiuwi ulit natin ang korona sa bayan,” sey ng beauty queen.

                                                                  *****

            Ka Tunying nagsampa ng kaso sa dating empleyado

NANANATILI pa ring matatag at lumalaban sa mga “bagyong” pinagdaraanan ang dating DZMM Dos Por Dos komentaristang si Anthony Tabera. Bukod sa kasalukuyang pandemic, at pagkakasakit ng anak, iniinda pa rin ni Anthony ang di biru-birong milyones na ninakaw sa kanya ng isang pinagkakatiwalaang business partner sa kanyang food business.

Masakit para sa kanya na ang sariling kaibigan at pinagkakatiwalaan sa kanyang negosyo ay siya ring may lakas ng loob para nakawan siya ng 15-Milyong piso.,Ngayo’y pormal na itong naghain ng kasong qualified theft sa kanyang dating finance chief at sa manager ng isang branch ng bangko na umano’y tumangay sa kanyang pera.

Base sareport ng Inquirer, nagtungo sa Quezon City Prosecutor’s Office si Anthony Taberna nitong Miyerkules, Abril 14, upang magsampa ng kaso laban kay Ernie Patrick Aquino na dating Finance at Administrative Head ng A. Taberna Foods. Kasama rin sa sinampahan ng kaso ay ang branch manager ng bangko sa dahilang pinagbuksan umano siya (Aquino) ng account ni Gualberto Baluyot II matapos ilipat ang 15.38 milyong piso sa personal na bank account ni Ernie Patrick.

Sinabi pa umano ni Ernie kay Ka Tunying na maayos naman ang takbo ng kanilang negosyo hanggang sa madiskubre ni Ka Tunying na noong Nobyembre ng nakaraang taon na may nangyayaring ‘lokohan’ nang isyuhan siya ng bouncing cheque.

Bagama’t wala umanong pahintulot mula sa board ng A.Taberna Foods, nakapagbukas ng pitong iba’t ibang bank accounts si Aquino,ayon sa isang auditing firm na kanyang kinuha upang mag-imbestiga sa pagpapatakbo sa kumpanya ni Anthony,

“In the last week of November 2020, several checks issued by A. Taberna Foods to suppliers were dishonored despite the supposed availability of funds. Upon inquiry with (the bank), the company discovered that respondent Aquino was able to open seven other bank accounts under the name of Taberna Foods,” kuwento pa ni Taberna.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)