Breaking News, Nations

49 PANG PINOY ABROAD, POSITIVE SA COVID-19

MAY 49 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Enero 25, nasa 13,828 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pinoy mula sa 84 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 4,055 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa walo naman ang bagong gumaling kaya 8,828 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakahahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi. Dahil dito, 945 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Tiniyak naman ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng pandemic. (Eloise L.)