Business

2019 budget:Desisyon ni Digong igagalang

Nirerespeto ng kamara ang alinmang magiging desisyo ni Presidente Duterte sa 2019 national budget.

Ayon kay Appropriations Chairman Rolando Andaya Jr., batid ng panngulo kung ano ang makabubuti sa bansa at sa sambayanang Pilipino.

Kung nagdesisyon aniya ang pangulo na ipatupad ang reenacted budget sa buong taon, ay mabibigyan siya ng oportunidad na maibalik ang mahigit sa P80 billion na inalis ng senado mula sa mga alokasyon para sa mga proyekto ng presidente.

“After all, that is the President’s budget and his priorities should not be tinkered with,” ani Andaya.

Naniniwala naman ang mambabatas na sa gagawing pinal na desisyon ng pangulo na ikukunsidera nito ang mga budget cuts ng senado.

Ilang beses na aniyang nagbabala ang kamara sa tinanggal na bilyong badyet mula sa 2019 budget para ipondo umano sa mga pet projects ng mga senado ay makakaapekto sa implementasyon ng mga major infrastructure program naman ng pangulo.

Bilang suporta sa legislative agenda ni Duterte, inaprubahan ng House of Representatives ang lahat ng  priority bills ng pangulo sa takdang panahon.

Kumpiyansa naman ito na ikukunsidera ng Office of the President ang kanilang exposes sa pagrerebyu ng 2019 General Approriations Bill at makahanap ng paraan para mabawi ang tinanggal na badyet ng senado.

Partikular na pinababalik ng mambabatas na inalis sa badyet ng senado, tulad ng Department of Transportation – P5 billion para sa right-of-way projects;

Department of Public Works and Highways – P 11.033 billion para sa right-of-way projects; Foreign Assisted Projects sa ilalim ng DPWH – P2.5 billion;  Tehnical Education and Skills Development Authority – P3 billion para sa scholarship ng mga rebel returnees, out-of-school youths and rehabilitating drug dependents na naka-enrol sa Universal Access to Tertiary Education;  Department of Environment and Natural Resources – P2.254 billion para sa National Greening Program.

Kabilang din ang Department of Foreign Affairs – P7.5 billion budget para sa SEA Games ngunit P5 billion nito ang inilipat sa Philippine Sports Commission habang hindi naman makita ang balanseng P2.5 billion at ang Miscellaneous Personnel Benefit Fund – P13.4 billion.

Ang MPBF ay isa sa tatlong pinagkukunan ng pondo para ipambayad sa mga government personnel.

Maging ang Pension and Gratuity Fund na P39 billion, para sanama sa pension ng mga AFP retirees; war or military veterans ng DND; retired uniformed personnel ng DILG, PC-INP, NAMRIA at Philippine Coast Guard; at iba pang retirees ng National Government.

“We wish to emphasize that the details of these budget cuts were not fully discussed in the bicameral conference committee. The senators unilaterally decided on the budget cuts and realigned them to other items based on request of individual proponents. Up to now, the Senate has yet to make public a detailed report on the proponents who recommended the individual realignments,” pahayag pa ni Andaya.

Una nang nagbabala si Presidente Duterte na ive-veto ang buong panukalang P3.7 trillion national budget ngayon taon kung may nakita siyang iregularidad.

“Ang budget kaka-submit lang. I have to sign it pagbalik ko, pinag-aaralan pa. Ngayon, ’pag talagang tagilid ’yan, I will outright veto the entire budget,” pahayag ni Duterte. (Vina de Guzman)