Breaking News, Lifestyle

10-ANYOS, PUWEDE NANG LUMABAS — IATF

INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na babaan pa ang edad ng mga bata na makalalabas ng bahay.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaari nang makapamasyal ang mga bata na nag-eedad ng sampu, na nasa lugar ng modified general community quarantine (MGCQ), simula sa Pebrero 1, 2021.

“Any person below 10 years old and those who are over 65 years of age shall be required to remain in their residence at all times,” ani Roque.

“Local government units, on the other hand, are enjoined to adopt the same relaxation of age-restrictions for areas under general community quarantine,” dagdag pa ni Roque.

Matatandaang pinagbawalan ng pamahalaan ang mga bata at matatanda na makalabas ng bahay para makaiwas sa COVID-19. (Eloise L.)